2022
Ilaw sa Kapaskuhan
Disyembre 2022


“Ilaw sa Kapaskuhan,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Dis. 2022.

Ilaw sa Kapaskuhan

Ang ating mga pagdiriwang sa Kapaskuhan ay tumutulong na ipaalala sa atin na si Jesucristo ang ating tunay na Ilaw.

Christmas tree

Mga larawang-guhit ni Christopher Thornock

Isang Ilaw na Gagabay

Nasaan siya na isinilang na Hari ng mga Judio? Sapagkat nakita namin ang kanyang bituin sa silangan, at naparito kami upang siya’y sambahin. …

… At naroon, ang bituin na kanilang nakita sa silangan ay nanguna sa kanila hanggang sa tumigil sa tapat ng kinaroroonan ng sanggol.

Labis silang nagalak nang makita nila ang bituin.

Ako … ang maningning na tala sa umaga.

Christmas tree

Isang Liwanag sa Kadiliman

Ang bayan na lumakad sa kadiliman ay nakakita ng dakilang liwanag; silang naninirahan sa lupain ng matinding kadiliman sa kanila sumikat ang liwanag …

Sapagkat sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalaki.

Nasa sa kanya ang buhay at ang buhay ay siyang ilaw ng mga tao.

Ang ilaw ay lumiliwanag sa kadiliman; at ito’y hindi nagapi ng kadiliman. …

Siya ang tunay na ilaw na tumatanglaw sa bawat dumarating sa sanlibutan.

bintana na may kandila

Isang Ilaw sa Sanglibutan

“Tumayo sa tabi nila ang isang anghel ng Panginoon at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nagliwanag sa palibot nila, at sila’y lubhang natakot.

Kaya’t sinabi sa kanila ng anghel, “Huwag kayong matakot, sapagkat narito, dala ko sa inyo ang magandang balita ng malaking kagalakan para sa buong bayan.

Sapagkat ipinanganak sa inyo ngayon sa lunsod ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo ang Panginoon.

Ako ang ilaw ng sanlibutan: ang sumusunod sa akin ay hindi kailanman lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw ng buhay.

Mga ilaw sa Kapaskuhan