2022
Huwag Magpaliban! Tularan ang mga Pastol
Disyembre 2022


“Huwag Magpaliban! “Tularan ang mga Pastol,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Dis. 2022.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Lucas 2:8–20

Huwag Magpaliban! Tularan ang mga Pastol

pastol, mga

Sa isang tahimik na gabi noon, masigasig na binabantayan ng mga pastol ang kanilang mga kawan.

tupa, mga

Mahalaga ang trabaho ng mga pastol. Kailangan ng mga tupa ng pagkain, tubig, at proteksyon mula sa panganib.

anghel

Biglang nagpakita ang isang anghel!

“Huwag kayong matakot, sapagkat narito, dala ko sa inyo ang magandang balita. … Sapagkat ipinanganak sa inyo ngayon … ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo.”

anghel

Sinabi ng anghel sa mga pastol na makikita nila ang sanggol na nakabalot sa lampin, nakahiga sa sabsaban sa Betlehem.

koro ng anghel

Pinuno ng koro ng mga anghel ang kalangitan at sumama sa anghel sa pagpuri sa Diyos.

“Luwalhati sa Diyos sa kataas-taasan, at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya.”

pastol, mga

“Pumunta tayo ngayon sa Betlehem at tingnan natin ang nangyaring ito na ipinaalam sa atin ng Panginoon.”

mga pastol na sumusunod sa bituin

Hindi nagpaliban ang mga pastol. Napakahalaga nito! Sila ay “nagmamadaling pumunta” sa Betlehem.

mga pastol sa sabsaban

Natagpuan ng mga pastol si Jesus na nakabalot sa lampin, nakahiga sa sabsaban, tulad ng sinabi ng anghel.

sanggol na si Jesus

Ito ang ipinangakong Mesiyas na pumarito upang maging Tagapagligtas at Manunubos ng sanlibutan at maghatid sa atin ng tunay na kagalakan!

pastol, mga

Tuwang-tuwa ang mga pastol! Ibinahagi nila ang kanilang narinig at nakita.

“Isinilang ang Tagapagligtas ng sanlibutan!”

“Dumating na sa wakas ang Mesiyas!”

binatilyong nag-aaral ng mga banal na kasulatan

Ang mga pastol ay “nagmamadaling pumunta” kay Jesus. Magagawa mo rin ito!

Maaari kang matuto tungkol sa Kanya.

binatilyong nagtatabas ng damuhan

Mapaglilingkuran mo Siya sa pamamagitan ng paglilingkod sa iba.

dalagitang nagbabahagi ng Aklat ni Mormon sa binatilyo

Mapatototohanan mo Siya.