2023
Ang Paborito Kong Lugar para Magnilay-nilay
Enero 2023


“Ang Paborito Kong … Lugar para Magnilay-nilay,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Ene. 2023.

Ang Paborito Kong …

Lugar para Magnilay-nilay

May paborito ka bang lugar kung saan gusto mong magnilay-nilay?

Kapag nagninilay ka, nagkakaroon ka ng mas walang-hanggang pananaw. Makakabuti rin ito sa iyong kalusugang pangkaisipan sa pag-aalis sa ulo mo ng kalituhan at problemang nagmumula sa mga tukso at gambala ng pang-araw-araw na buhay. May espesyal na lugar pa nga ang ilang tao kung saan gusto nilang magnilay-nilay. Tingnan ang ilan sa mga lugar na ito ng pagninilay na ibinahagi ng iba pang mga kabataan!

Pagnilayan: Ang ibig sabihin ng magnilay ay buksan ang iyong puso’t isipan sa mga pahiwatig ng Espiritu Santo habang pinag-aaralan at pinag-iisipan mo ang ebanghelyo. Sa tunay na pagninilay, na maaaring mangyari kahit saan, kailangan mong gumawa ng ilang espirituwal na bagay habang naghahangad ka ng paghahayag.

Pagpunta sa Dagat

dalagita

Ang paborito kong lugar sa pagninilay ay saan man may tubig, tulad ng lawa o karagatan. Sa larawang ito nasa yate ako ng lolo ko. Gustung-gusto ko roon dahil nadarama ko na malapit ako sa Espiritu, lalo na sa pagsikat o paglubog ng araw. Madalas akong makatanggap ng inspirasyon at makaisip ng lahat ng pinakamagaganda kong ideya roon.

Macey M., 16, Texas, USA

Mag-ukol ng Oras para Mapag-isa

binatilyo

Ang pinakamainam na lugar sa akin para sa pagninilay ay kapag nag-iisa ako. Nagninilay ako palagi, sa shower o sa isang tahimik na lugar tulad sa bahay habang nag-aaral ako ng mga banal na kasulatan. Nagbibisikleta ako, at kung minsa’y nakikinig ako sa podcast ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin. Nag-uukol ako ng oras para mapag-isa ako habang nakaupo sa gitna ng magandang kalikasan at magnilay-nilay rin doon.

Grant R., 14, Texas, USA