2023
Sino ang mga pantas na lalaki?
Enero 2023


“Sino ang mga pantas na lalaki?,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Ene. 2023.

Tuwirang Sagot

Sino ang mga Pantas na Lalaki?

Larawan
isa sa mga Pantas na Lalaki

Sinasabi sa atin sa mga banal na kasulatan na “may mga Pantas na lalaki mula sa silangan na dumating” (Mateo 2:1) para hanapin ang Tagapagligtas. Ang katagang mga pantas na lalaki ay mula sa salitang Persian na, magi. Bagama’t hindi sinabi sa atin kung sino talaga ang mga lalaking ito, may ilang bagay na masasabi nating alam natin tungkol sa kanila mula sa kung ano ang sinabi sa atin.

Ayon sa tradisyon, naging tradisyon nang isipin ng mga tao na may tatlong Pantas na Lalaki dahil nagdala sila ng tatlong regalo. Pero hindi malinaw sa mga banal na kasulatan kung ilan talaga ang mga Pantas na Lalaki. Nauunawaan din natin na dinalaw nila si Jesus noong bata na Siya sa halip na noong sanggol pa (tingnan sa Mateo 2:11).

Malinaw na matwid ang mga Pantas na Lalaki at batid nila ang ilang propesiya tungkol sa pagsilang ng Mesiyas. Maaaring nagmula sila sa isang grupo ng mga tao ng Panginoon. Masigasig nilang hinanap ang Anak ng Diyos at inakay sila ng Espiritu sa Kanya. Dinalhan nila Siya ng mga regalo at pagkatapos ay bumalik para patotohanan sa kanilang mga tao ang Kanyang pagsilang. Binalaan din sila sa isang panaginip na huwag sabihin kay Herodes kung nasaan ang bata.

Ang kanilang katapatan at kasigasigan ay maaaring maging isang halimbawang nagbibigay-inspirasyon sa atin sa ating personal na paglalakbay para mas mapalapit sa Tagapagligtas.

Print