“Pagkakaroon ng Kagalakan sa Paglilingkod Bilang Piyanista,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Ene. 2023.
Matitibay na Pundasyon
Pagkakaroon ng Kagalakan sa Paglilingkod Bilang Piyanista
Nagsimula akong mag-aral ng piyano noong pitong taong gulang ako. Noong una, nahirapan akong basahin ang mga nota ng musika at mag-ukol ng pansin sa mga lesson ko. Ayaw ko lang talagang magpraktis ng piyano.
Pagkatapos ay hiniling ng nanay ko na tugtugin ko ang “Sa Aking Pagkabinyag” (Aklat ng mga Awit Pambata, 66) sa binyag ko. Iyon ang pinakauna kong pagtugtog sa simbahan. Kinabahan ako pero ipinagmalaki ko ang sarili ko nang tugtugin ko iyon.
Hindi nagtagal ay naging abala ako sa paaralan at ginusto kong tumigil sa pagtugtog ng piyano, pero hinikayat ako ng mga magulang ko na patuloy na mag-aral. Kung patuloy raw akong tutugtog, magkakaroon ako ng kagalakan sa paglilingkod sa Panginoon.
Mula noon, gustung-gusto ko nang tumugtog ng piyano. Nagsimula akong tumugtog sa sacrament meeting, at nang mag-12 anyos ako, opisyal akong tinawag na maging ward pianist. Napakasaya ko! Tumugtog ako sa mga pagtatanghal ng Primary at sinaliwan ko ang ward choir namin sa mga ward conference at debosyonal. Tinawag pa ako bilang stake choir pianist at tumugtog sa stake conference.
Nagpapasalamat ako sa mga magulang ko sa paghihikayat sa akin na gawin ang makakaya ko. Pasasalamatan ko ang Ama sa Langit magpakailanman sa talentong ibinigay Niya sa akin. Alam ko na magagamit ko ang mga talento ko sa aking misyon at sa iba pang paglilingkod balang-araw. Talagang nagkakaroon ako ng kagalakan sa paglilingkod sa Panginoon.
Jyle S., National Capital Region, Philippines