2023
Nakatayo sa Matibay na Pundasyon
Enero 2023


“Nakatayo sa Matibay na Pundasyon,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Ene. 2023.

Matitibay na Pundasyon

Nakatayo sa Matibay na Pundasyon

Larawan
dalagitang may hawak na hose ng tubig

Larawang-guhit ni Emily Jones

Nagmasid ako, na nalilito, nang diligan namin ng pamilya ko ang kongkretong pundasyon ng bahay namin. Para akong sira. Sino na ba ang nakarinig ng pagdidilig ng bahay? Nang lumipat kami sa Texas, USA, ipinaliwanag ng kapitbahay namin na sa partikular na lugar na iyon ay kailangan naming diligan ang pundasyon ng bahay namin para maging matatag at hindi magbitak ang bahay dahil sa klima. Kaya diniligan ko ang bahay, kahit parang baliw ang pakiramdam ko sa paggawa nito.

Pansamantalang nakatulong ang pagdidilig, pero kalaunan, nagsimulang magbitak ang bahay namin. Hindi nagtagal ay natuklasan namin na hindi matibay ang pundasyon ng bahay namin. Naitayo iyon sa ibabaw ng isang landfill, na naging sanhi ng paglubog ng bahay namin dahil nabulok na ang nakabaong basura sa ilalim nito sa paglipas ng panahon. Diniligan namin ang pundasyon, pero magbibitak pa rin ang bahay namin. Kaya kalaunan ay lumipat kami sa malayo.

Ipinapaalala sa akin ng karanasang ito ang kahalagahan ng pagtatayo ng aking espirituwal na pundasyon sa matibay na pundasyon ng ebanghelyo ni Jesucristo. May mga pagkakataon na hindi naging sapat ang lakas ng paniniwala ko tungkol sa ebanghelyo. Sa pagpiling maniwala, “diniligan ko ang pundasyon” ng aking pananampalataya hanggang sa makapagtatag ako ng patotoo sa matibay na pundasyon ng ebanghelyo. Nang piliin kong ipamuhay ang ebanghelyo ni Jesucristo, nakapagtayo ako ng matibay na pundasyon na hindi magbibitak.

Ann J., Maryland, USA

Print