“Kumonekta,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Abr. 2023.
Kumonekta
Natalie S.
17, Tennessee, USA
Isinilang ako sa Memphis at lumaki sa Tennessee. Nagsimula akong sumakay sa kabayo noong mga walong taong gulang ako at nagtrabaho ako para mabayaran ang mga lesson ko. Isa sa mga trabaho ko ngayon ang pagte-train ng mga kabayo.
Maraming naituro sa akin ang pagte-train ng mga kabayo tungkol sa pamumuhay ng mga alituntunin ng ebanghelyo. Ang pag-rehabilitate sa mga kabayo ay nangangailangan ng maraming oras at sipag. Inabot ng anim na buwan ang pagte-train ko sa isang kabayo hanggang sa maging komportable na itong sakyan. Kinailangan doon ang maraming pagtitiyaga.
Kung minsan pakiramdam ko ay napakaraming nangyayari sa buhay ko, at mahirap iyon. Binabalanse ko ang mga kaibigan, pag-aaral, at pamilya habang nagtuturo din ako ng pagsakay sa kabayo, nagsasagawa ng mga barn tour, at nag-aalaga ng mga kabayo.
Pero nadarama ko ang kapayapaan ng Espiritu kapag nasa labas ako at napapaligiran ng mga kabayo. Nadarama ko ang kapayapaan, naririnig ang Espiritu, at nalalaman kung ano ang kailangan kong gawin.