2023
Sundin si Jesucristo at Gawin ang Pinakamahalaga
Abril 2023


“Sundin si Jesucristo at Gawin ang Pinakamahalaga,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Abr. 2023.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Marcos 10:17–22

Sundin si Jesucristo at Gawin ang Pinakamahalaga

Larawan
Jesucristo

Inaanyayahan tayo ni Jesucristo na sumunod sa Kanya at sundin ang Kanyang mga utos.

Larawan
dalagitang may hawak na cell phone

Kung minsa’y nangangahulugan ito ng pagtalikod sa mga bagay na gusto natin at nakakasiya sa atin.

Larawan
dalagitang inilalapag ang cell phone
Larawan
dalagitang kasama ang ama

Para sa isang bagay na mas mainam!

Larawan
mayamang batang pinuno

Binabanggit sa Biblia ang isang mayamang batang pinuno na nagsikap na sundin ang mga utos ng Diyos.

Larawan
mayamang batang pinuno na papunta kay Jesucristo

Isang araw, tumakbo siya palapit kay Jesus at nagtanong kung ano pa ang kailangan niyang gawin. Sinabi sa kanya ni Jesus na ipagbili ang lahat ng mayroon siya, ibigay sa mga maralita, at sumunod sa Kanya.

Larawan
mayamang batang pinuno na naglalakad palayo kay Jesucristo

Pinanghinaan-ng-loob ang batang pinuno. Ayaw niyang pakawalan ang magagandang bagay na mayroon siya.

Larawan
dalagitang kasama ang ama

Inaanyayahan tayo ni Jesucristo na magbago, sumunod sa Kanya, at talikuran ang mga bagay na maaaring gusto natin—kahit ang mabubuting bagay—para sa mga bagay na pinakamahalaga.

Larawan
larawan ni Jesucristo, na mayroong mag-ama sa likuran

Kapag nakatuon tayo kay Jesucristo at sinusunod natin ang Kanyang halimbawa at mga turo, magagabayan tayong malaman kung ano ang dapat nating gawin.

Larawan
dalagitang inilalapag ang cell phone at lalabas

Mahal at kilala Niya ang bawat isa sa atin. Alam Niya ang pinakamainam para sa atin.

Larawan
mag-ina na nagtatanim ng mga bulaklak

Ano ang maaari mong talikuran para lalo ka pang makasunod sa Kanya?

Print