2023
Tinutulungan Niya Ako sa mga Oras ng Kalungkutan
Abril 2023


“Tinutulungan Niya Ako sa mga Oras ng Kalungkutan,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Abr. 2023.

Magagawa Ko ang Lahat ng Bagay sa Pamamagitan ni Cristo

Ibinahagi ng mga kabataan kung paano sila napalakas ni Cristo na gawin ang mahihirap na bagay (tingnan sa Filipos 4:13).

Tinutulungan Niya Ako sa mga Oras ng Kalungkutan

Larawan
dalagita

Ayokong magpunta sa Young Women camp noong nakaraang taon. Tatlong linggo bago iyon ay pumanaw ang lolo ko, at ginusto ko lang mapag-isa at makalayo sa lahat. Pagdating namin doon, pakiramdam ko hindi ako dapat nagpunta.

Gayunman, sa unang araw, nagkaroon ng debosyonal ang ward namin na hinding-hindi ko malilimutan. Nagsalita ang isa sa mga dalagitang mas matanda sa akin tungkol sa pagkasumpong ng kagalakan. Noong una ay inis na inis ako. Paano ako magkakaroon ng kagalakan kung wala namang dapat ikagalak?

Pero may sinabi siya na hindi ko kailanman naisip: Kapag pakiramdam natin ay hindi tayo nagkakaron ng kagalakan kahit saan, matatagpuan natin iyon sa Tagapagligtas. Ang ating mortal na buhay kung minsan ay puno ng dalamhati, depresyon, galit, mga pagsubok, at patuloy na mga pakikibaka. Kung minsa’y mahirap makahanap ng kagalakan maliban sa Kanya.

Bagama’t hindi naging perpekto ang karanasan ko sa girl’s camp, nakadama ako ng kagalakan. Natagpuan ko iyon sa pagbaling sa Tagapagligtas—sa mga banal na kasulatan, sa kalikasan, at sa tahimik na mga sandali kung kailan maaari akong magdasal sa Ama sa Langit. Nalampasan ko ang maraming pagsubok dahil sa alituntuning ito mula noon. Labis akong nagpapasalamat sa kaalaman na ang sakdal na pagmamahal ng Tagapagligtas ay makakatulong sa atin kahit pakiramdam natin ay walang kagalakan.

Elise B., Missouri, USA

Print