2023
Kaloob ng Diyos para Tulungan Kang Matuto
Abril 2023


“Kaloob ng Diyos para Tulungan Kang Matuto,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Abr. 2023.

Tulong sa Buhay

Kaloob ng Diyos para Tulungan Kang Matuto

Dagdagan ang iyong pagkatuto sa pamamagitan ng pag-unawa sa papel na ginagampanan ng Espiritu Santo dito.

Ninais mo na bang matuto ng bagong wika, pero hindi mo sinubukan dahil inakala mong hindi mo kaya? Ginusto mo bang sumubok ng isang bagong resipe, humusay sa math, o matutong lumangoy? Alam mo ba? Sa tulong ng Espiritu Santo, ang ikatlong miyembro ng Panguluhang Diyos, maaaring maragdagan ang kakayahan mong matuto!

Ang diwa ng pagkatuto at kaalaman ay isa sa maraming kaloob ng Espiritu Santo. Matutulungan ka Niya sa napakaraming paraan, pati na sa iyong pagkatuto.

Paano Ka Tinutulungan ng Espiritu Santo na Matuto

binatilyong naka-backpack

Mga larawang-guhit ni Emily E. Jones

1 Pinagtitibay na ang natututuhan mo ay totoo

(Tingnan sa Moroni 10:5.)

Halimbawa: Nadarama mo ang kapayapaan sa iyong puso’t isipan matapos matutuhan sa seminary ang isang bagay na totoo.

mga kaibigan

2 Matutulungan kang maalala ang natututuhan mo

(Tingnan sa Juan 14:26.)

Halimbawa: Habang kausap ang isang kaibigan, maaari mong maalala ang isang bagay na matagal mo nang hindi naisip. Maaaring ang naisip mong iyon ang sagot sa kanyang tanong o maaaring magpanatag sa kanya.

binatilyo

3 Nililiwanagan ang iyong isipan at pang-unawa

(Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 6:15; Alma 32:28. Ang ibig sabihin ng nililiwanagan ay mas maunawaan mo ang isang bagay.)

Halimbawa: Nahihirapan kang matutuhan ang isang bagong math formula. Pagkatapos mong mag-aral at humingi ng tulong, sa wakas ay nauunawaan mo na iyon at kung paano iyon naaangkop sa totoong mundo.

dalagitang kasama ang lolo

4 Mapupuspos ka ng kagalakan!

(Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 11:13.) Mapupuspos ka Niya ng kagalakan at tutulungan kang malaman na ikaw ay umuunlad at nagiging higit na katulad ng Diyos.

Halimbawa: Lumapit ang isang mahal sa buhay para ituro sa iyo ang kanyang bantog na resipe ng sopas. Masaya ka dahil sa oras na ginugol ninyo na magkasama at dahil may natutuhan kang bago!

Mga Ideya sa Pag-anyaya sa Espiritu Santo na Makasama Mo

  1. Sundin ang mga kautusan (tingnan sa Moroni 8:25–26). Kung gusto mong makasama ang Espiritu Santo, kailangan mong sikaping sundin ang Diyos at sundin Siya. Hindi mo kailangang maging perpekto, pero nakakatulong iyon kung nagsisikap ka.

  2. Manalangin nang taimtim. “Ang Espiritu ay ibibigay sa inyo sa pamamagitan ng panalangin nang may pananampalataya” (Doktrina at mga Tipan 42:14). Ipagdasal na mapasaiyo ang Espiritu Santo at tulungan ka sa pinag-aaralan mo.

  1. Makinig, matuto, at magtiwala sa mga paraan na nangungusap sa iyo ang Espiritu Santo. Ang diwa ng pagkatuto at kaalaman ay isa sa mga kaloob ng Espiritu Santo. Sa mga banal na kasulatan, itinuturo sa atin na ang Espiritu Santo ay nangungusap sa ating puso’t isipan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 6:15, 22–24; 8:2; 9:7–9).

    Ang Espiritu Santo ay maaari ding mangusap sa iyo sa iba pang mga paraan.

  2. Magsumikap. Sabi nga ni Pangulong Russell M. Nelson, “Nais ng Panginoon na may pagsisikap” (sa Joy D. Jones, pangkalahatang kumperensya ng Abr. 2020 [Ensign o Liahona, Mayo 2020, 16]). Habang nag-aaral kang mabuti, gawin ang lahat ng makakaya mo, at magsikap nang husto na may matutuhan, tutulungan ka ng Diyos.

Pagbubukas ng mga Pinto ng Oportunidad

Ang edukasyon at habambuhay na pagkatuto ay makakatulong sa iyo na makahanap ng mga paraan para higit na mahalin at paglingkuran ang iba kaysa inakala mong posible. Kapag hinahangad mo ang Espiritu Santo habang natututo ka, madaragdagan ng Diyos ang iyong mga pagsisikap.