“Buksan ang Puso Mo sa Espiritu Santo,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Abr. 2023.
Panghuling Salita
Buksan ang Puso Mo sa Espiritu Santo
Mula sa isang mensahe sa pangkalahatang kumperensya ng Abril 2018.
Sa panahong ito ng Pasko ng Pagkabuhay, nagpapasalamat ako sa Ama sa Langit para sa kaloob ng Kanyang Pinakamamahal na Anak, na boluntaryong pumarito sa mundo upang maging Manunubos natin. Nagpapasalamat ako na nalaman ko na nagbayad-sala Siya para sa ating mga kasalanan at bumangon sa Pagkabuhay na Mag-uli. Araw-araw ay napagpapala ako na nalaman ko na, dahil sa Kanyang Pagbabayad-sala, mabubuhay akong muli balang-araw upang mabuhay magpakailanman kasama ang isang mapagmahal na pamilya.
Nalalaman ko ang mga bagay na iyon sa pamamagitan ng tanging paraan para malaman ng sinuman sa atin ang mga iyon. Ang Espiritu Santo ay nangusap sa aking isipan at puso na ang mga ito ay totoo—hindi lamang nang minsan kundi nang madalas.
Nasa atin ang walang kapantay na pangako ng Espiritu Santo na Siya ay mapapasaatin. Ang obligasyon natin ay piliing buksan ang ating mga puso para matanggap ang tulong ng Espiritu habambuhay.
Ang unang ginawa niya ay magpakumbaba sa harapan ng Diyos.
Ang pangalawa ay manalangin nang may pananampalataya sa Panginoong Jesucristo.
Ang pangatlo ay ganap na sumunod.
At ang pang-apat ay manalangin para malaman ang mga pangangailangan at nasa puso ng iba at kung paano sila tutulungan para sa Panginoon.
Dalangin ko nang buong puso na maririnig ninyo ang tinig ng Espiritu, na saganang ipinadadala sa inyo. At dalangin ko na palagi ninyong buksan ang inyong puso upang matanggap ang Espiritu nang magalak kayong makasama Siya sa tuwina.