“Kung alam kong nagkakasala ang isang tao, dapat ko bang sabihin iyon sa bishop nila?,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Abr. 2023.
Tuwirang Sagot
Kung alam kong nagkakasala ang isang tao, dapat ko bang sabihin iyon sa bishop nila?
Kung alam mo kahit paano na ang isang tao ay gumagawa ng isang bagay na maaaring maging dahilan para hindi sila maging marapat na tumanggap (o mangasiwa) ng sakramento o pumunta sa templo, bago ka gumawa ng anuman, maaari kang magdasal muna sa Ama sa Langit, na tinitiyak na ginagabayan ka ng pagmamahal at malasakit para sa taong iyon sa halip na magkaroon ng ibang motibo.1 Pagkatapos ay maaari kang magpasiyang kausapin ang tao o ang bishop. Kapag ginawa mo iyon, dapat kang magsalita nang may kabaitan at habag sa halip na magparatang.
Ang pakikipag-usap nang sarilinan sa tao ay magbibigay ng pagkakataon sa kanya na magpasiyang pumunta sa bishop nila at magsimulang magsisi sa sarili niya. Kung hindi siya makikinig, maaari mong kausapin ang bishop tungkol doon. Ang bishop ay may espesyal na calling na pangalagaan ang mga miyembro ng ward at bantayan ang kanilang espirituwal na kapakanan. Dahil sa kanyang calling, ang bishop ay nasa natatanging posisyon para tumulong.
Anuman ang gawin mo, tandaan sana na huwag kausapin ang iba pa tungkol doon. Pagkakalat ng tsismis iyon, na hindi makakatulong kaninuman.