2023
Cesarea Filipos
Abril 2023


“Cesarea Filipos,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Abr. 2023.

Mga Lugar mula sa mga Banal na Kasulatan

Cesarea Filipos

Alamin ang tungkol sa lugar kung saan nagtanong ang Tagapagligtas, “Ano ang sinasabi ninyo kung sino ako?”

Larawan
Cesarea Filipos

Nasaan Iyon?

Larawan
mapa

Nasa paanan iyon ng Bundok Hermon sa hilagang Israel.

Ano ang Naroon?

Larawan
Cesarea Filipos

Sa sinaunang lungsod na ito naroon ang isang bukal na dumadaloy palabas ng Bundok Hermon.

Ang bukal na ito ay isa sa mga headwater (o pinagmumulan) ng Ilog Jordan.

Ano ang Nangyari Dito?

Nang itanong ni Jesus sa Kanyang mga disipulo: “Ano ang sinasabi ninyo kung sino ako?”

Pedro: “Ikaw ang Cristo, ang Anak ng Diyos na buhay.”

Jesus: “Mapalad ka, … sapagkat hindi laman at dugo ang nagpahayag nito sa iyo kundi ang aking Ama na nasa langit. …

“Ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magwawagi laban sa kanya.

“Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit, at anumang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anumang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.” (Mateo 16:13–19.)

Larawan
si Jesucristo kasama ang mga disipulo

Print