2023
Kumonekta
Hunyo 2023


“Kumonekta,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hunyo 2023.

Kumonekta

Rolando B.

15, Dennehotso (Navajo: Deinihootso), Arizona, USA

binatilyo

Larawang kuha ni Richard M. Romney

Gusto ko ng tahimik na lugar at nakakapag-isa ako. Gusto ko ang banal na kasulatan na nagsasabi, “Kayo ay magsitigil at kilalanin ninyo na ako ang Diyos” (Mga Awit 46:10). Wala nang lugar na hihigit pa sa disyerto na makakapag-isa at mapapayapa ka. Lahat ng bagay dito ay nangungusap tungkol sa Kanya. Sinabi ng Diyos kay Adan, “Ang lahat ng bagay ay nilalang at nilikha upang magpatotoo sa akin” (Moises 6:63). Ang disyerto ay isang lugar kung saan makikita ninyo ang langit, at madarama ang mundo, at malalaman na ang Diyos ay Diyos.

May dalawang bahay ang aking pamilya. Ang isa ay nasa lungsod. Paglabas mo ng pintuan doon, may kapitbahay ka. Ngunit dito sa disyerto, paglabas mo ng pintuan, ang pinakamalapit mong kapitbahay ay malamang na 200 yarda (183 metro) ang layo o mahigit pa.

Gusto ko ang privacy dahil tinutulungan ako nitong pahalagahan ang kalikasan. Nakatira kami sa disyerto, ngunit lahat ng resources na kailangan namin ay naririto—mga puno, halaman, pati na ang malinis na tubig. Dapat mo lang alamin kung saan makikita ang mga ito. Hindi ito gaanong pinag-iisipan ng maraming tao, ngunit mahalagang bahagi ng buhay ang mga bagay na iyon. Dapat nating igalang ang paglikha, at dapat nating igalang ang Lumikha.

Nilikha ng Diyos ang lahat ng ito. At may halaga tayo sa Kanyang paglikha.