2023
Sa Phnom Penh, Cambodia
Hunyo 2023


“Sa Phnom Penh, Cambodia,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hunyo 2023.

Paano Kami Sumasamba

Sa Phnom Penh, Cambodia

Phnom Penh, Cambodia

Larawang-kuha mula sa Getty Images

Hi! Ako si Mery V.

dalagita

Ako ay 16 na taong gulang, at nakatira ako sa Phnom Penh, ang kabisera ng Cambodia. Mahilig akong maglaro ng sports kasama ang mga kaibigan ko, at gustung-gusto kong matuto ng mga bagong bagay.

mapa ng Southeast Asia

Madalas kong ikumpara ang sarili ko noon sa ibang tao na inakala ko na mas maganda ang buhay kaysa sa akin, lalo na sa mga taong walang problema sa pera. Gayunman, nang magdasal ako sa Ama sa Langit, binigyan Niya ako ng tiwala sa sarili.

Phnom Penh Cambodia Temple

Naghahanda Siya ng Paraan

Natutuhan ko na anuman ang mga hamon sa aking buhay, palagi kong kasama ang Diyos at tutulungan Niya ako. Alam ko na hindi Niya tayo binigyan ng anumang kautusan maliban kung naglaan Siya ng paraan para maisakatuparan natin ito (tingnan sa 1 Nephi 3:7).

Ang paborito kong bagay tungkol sa pagiging miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay naniniwala ako na makakapiling kong muli ang aking pamilya sa langit pagkatapos nating mamatay. Mayroon akong masayang pamilya, na magandang halimbawa sa mga taong nakapaligid sa kanila. Mapagmahal sila at tinutulungan akong maging mas malakas.

pamilya

Ang Pananampalataya ay Nagbibigay ng Tiwala

Ang pagiging miyembro ng Simbahan ay hindi mahirap para sa akin dahil tinutulungan ako ng pananampalataya ko sa Diyos na magtiwala at magkaroon ng mas magandang buhay. Talagang masaya ako tuwing Linggo ng umaga dahil makakasimba ako kasama ng aking pamilya. Karaniwan ay nagbabasa kami ng mga banal na kasulatan bago matulog, at kung minsan ay natututo kami mula sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin.