2023
Ang Kaibigan sa Hatinggabi
Hunyo 2023


“Ang mga Talinghaga ng Tagapagligtas,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hunyo 2023

Ang mga Talinghaga ng Tagapagligtas

Ang Kaibigan sa Hatinggabi

Lucas 11:5–13

data-poster

I-download ang PDF

Kung ang isang kaibigan ay pumunta sa bahay ninyo sa hatinggabi at humihingi ng tinapay, ikaw ba ay …

  • Magbibigay ng tinapay sa kanya?

  • O

  • Itataboy siya?

Kung may nakita ka na isang batang nagugutom, bibigyan mo ba siya ng …

  • Tinapay?

  • Bato?

  • Isda?

  • Ahas?

  • Itlog?

  • Alakdan?

Ang sagot:

Ipinaliwanag ng Tagapagligtas na kahit ang isang tao na nakahiga na sa kama, na inabala sa hatinggabi, ay magbibigay ng tinapay sa kanyang kaibigan kung magpupumilit ang kanyang kaibigan. At bibigyan ng mga magulang ang kanilang mga anak ng pagkain kapag humihingi sila nito.

Ano ang ibig sabihin nito?

Hindi tayo perpekto, ngunit alam natin kung paano magbigay ng mabubuting kaloob sa mga taong humihingi sa atin. Ang ating Ama sa Langit ay perpekto, at alam Niya kung paano ibigay ang pinakamagagandang kaloob sa Kanyang mga anak (lahat tayo—pati ikaw).

Mahal ka Niya. Naririnig Niya ang iyong mga panalangin (kahit sa hatinggabi!) at alam Niya ang iyong mga pangangailangan. Tutulungan ka Niya sa Kanyang panahon at paraan.