2023
Kung hindi sinasabi ng gabay na Para sa Lakas ng mga Kabataan na huwag gawin ang isang bagay, ibig bang sabihin niyon ay OK lang ito?
Hunyo 2023


“Kung hindi sinasabi ng gabay na Para sa Lakas ng mga Kabataan na huwag gawin ang isang bagay, ibig bang sabihin niyon ay OK lang ito?,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hunyo 2023.

Tuwirang Sagot

Kung hindi sinasabi ng gabay na Para sa Lakas ng mga Kabataan na huwag gawin ang isang bagay, ibig bang sabihin niyon ay OK lang ito?

isang tinedyer na may hawak na gabay na Para sa Lakas ng mga Kabataan

Ang layunin ng gabay na Para sa Lakas ng mga Kabataan “ay hindi para sagutin kayo ng “oo” o “hindi” tungkol sa bawat posibleng pagpili na maaari ninyong kaharapin. Sa halip, inaanyayahan kayo ng Panginoon na mamuhay sa mas mataas at mas banal na paraan—sa Kanyang paraan” (Para sa Lakas ng mga Kabataan: Gabay sa Paggawa ng mga Pagpili [2022], 4–5).

Sinabi ni Elder Dieter F. Uchtdorf ng Korum ng Labindalawang Apostol tungkol sa gabay: “Napakataas ng mga pamantayan ni Jesucristo para sa Kanyang mga tagasunod. …

“… Hindi sinasabi ng Panginoon na, ‘Gawin ninyo ang anumang gusto ninyo.’

“Ang sinasabi Niya ay, ‘Hayaang manaig ang Diyos.’”1

Kung ang gabay na Para sa Lakas ng mga Kabataan ay hindi malinaw at direktang nagsasaad ng isang bagay at hindi nagsasabi na huwag gawin ang isang bagay, hindi ibig sabihin niyan ay kaagad mong ipapalagay o iisipin na OK lang na gawin ito. Iba ang isipin. Sa anumang tanong, isipin ang mga katotohanang inihayag ng Panginoon na may kaugnayan sa tanong na iyon. Habang natututuhan mo ang mga walang-hanggang katotohanang ito, hangaring ipamuhay ang mga ito sa iyong mga pagpili at humingi ng patnubay sa Ama sa Langit. At pagpapalain ka Niya.