“Masayang Bahagi,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hunyo 2023
Masayang Bahagi
Ikonekta ang mga Tuldok!
Gumuhit ng mga linya mula sa numero papunta sa isa pang numero sa loob ng bawat kulay para makita ang mga konstelasyon.
Bahaging para sa mga Kabataang Artist
Ikaw ba ay isang artist? Naghahanap kami ng sining, tula, o retrato mula sa mga kabataan sa iba’t ibang panig ng mundo! I-email ang ginawa mo sa ftsoy@ChurchofJesusChrist.org para sa pagkakataong matampok.
Narito ang isang napakagandang tula batay sa mga banal na kasulatan na isinumite noong Agosto 2022.
Hindi ko pa nabasa ang salaysay
Sa lahat ng salot sa Egipto,
Si Elias at ang mga Propeta ni Baal,
O ang pagbagsak ng mga pader ng Jerico.
Ngunit hindi lamang mga kuwento ang matatagpuan
Sa mga tala ng Lumang Tipan.
Ang Hari ng mga Hari ay atin ding nalaman
At kung paano Niya tayo tutulungang mamuhay.
Lahat ng pahina’y nagpapakita
Walang katapusan ang kapangyarihan Niya,
Dumarating ang mga pagpapala sa mga naghihintay,
At pagmamahal na patuloy Niyang ibibigay.
(Tingnan sa Exodo 7–12; 1 Mga Hari 18; Josue 6.)
Ella A., 15, Arizona, USA
Tinapay o Tubig?
Napansin mo na ba na medyo may pagkakaiba ang mga panalangin ng sacrament? Kung aalisin natin ang ilang salita, masasabi mo ba kung aling panalangin ang para sa tinapay at alin ang para sa tubig? Kung gayon, punan ang mga patlang sa ibaba ng mga tamang salita. Kung kailangan mo ng tulong, tingnan sa Moroni 4:3; 5:2 o Doktrina at mga Tipan 20:77, 79. (Ang salitang alak ay maaaring palitan ng tubig.)
Panalangin sa Tinapay / Tubig
O Diyos, ang Amang Walang Hanggan, kami ay humihiling sa inyo sa pangalan ng inyong Anak, na si Jesucristo, na basbasan at gawing banal ang 1._______ na ito sa mga kaluluwa ng lahat nila na 2._________ nito, nang ito ay kanilang magawa bilang pag-alaala sa 3. ________ ng inyong Anak, na 4.__________ alang-alang sa kanila; nang kanilang mapatunayan sa inyo, O Diyos, ang Amang Walang Hanggan, na sila sa tuwina ay aalalahanin siya, nang mapasakanila ang kanyang Espiritu upang makasama nila. Amen.
Panalangin sa Tinapay / Tubig
O Diyos, ang Amang Walang Hanggan, kami ay humihiling sa inyo sa pangalan ng inyong Anak, na si Jesucristo, na basbasan at gawing banal ang 5._________ na ito sa mga kaluluwa ng lahat nila na kakain nito, nang sila ay 6.________ bilang pag-alaala sa 7.__________ ng inyong Anak, at patunayan sa inyo, O Diyos, ang Amang Walang Hanggan, na sila ay pumapayag na taglayin sa kanilang sarili ang pangalan ng inyong Anak, at lagi siyang alalahanin at susundin ang kanyang mga kautusan na ibinigay niya sa kanila; nang sa tuwina ay mapasakanila ang kanyang Espiritu upang makasama nila. Amen.
-
Makakain
-
Tubig
-
Katawan
-
Dugo
-
Iinom
-
Tinapay
-
Nabuhos
Komiks
Mga Sagot
-
B.
-
E.
-
D.
-
G.
-
F.
-
A.
-
C.