2023
Paano ako makahahanap ng mga kaibigan na tutulong din sa akin na ipamuhay ang ebanghelyo?
Hunyo 2023


“Paano ako makakahanap ng mga kaibigan na tutulong din sa akin na ipamuhay ang ebanghelyo?,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hunyo 2023.

Mga Tanong at Mga Sagot

“Paano ako makahahanap ng mga kaibigan na tutulong din sa akin na ipamuhay ang ebanghelyo?”

Manalangin at Maghanap

binatilyo

“Una, manalangin. Ang paghingi ng tulong sa Ama sa Langit ay palaging isang magandang unang hakbang. Pagkatapos, pumunta sa mga lugar na pinupuntahan ng mabubuting tao. Kapag nasa mga lugar ka na nakapagbibigay ng inspirasyon, makakakilala ka ng mabubuting tao. Sa huli, maging handang makatrabaho at makahalubilo ang iba’t ibang uri ng tao. Hindi mo alam kung sino ang inilaan sa iyo ng Ama para makilala mo.”

Tate N., 14, South Carolina, USA

Ibahagi ang Pagmamahal ng Diyos

“Maaari kang magsimula sa pagtrato sa iba nang katulad ng gusto mong pagtrato sa iyo. Tulungan silang ipamuhay ang ebanghelyo at madama ang pagmamahal ng Tagapagligtas. Ang iyong impluwensya ay makatutulong sa kanila na gayundin ang gawin sa iyo.”

Sadie M., 13, Utah, USA

Ang Bakal ay Nagpapatalas sa Bakal

binatilyo

“Palaging mamuhay nang tapat sa iyong mga pamantayan, at ang mga tamang tao ang lalapit sa iyo. Kung hindi ipinamumuhay ng mga kaibigan mo ang iyong mga pamantayan, tandaan na maaari kang magpakita sa kanila ng halimbawang katulad ng kay Cristo. ‘Ang bakal ay nagpapatalas sa bakal; at ang tao ang nagpapatalas sa isa pang tao’ (Mga Kawikaan 27:17).”

Clark H., 16, Utah, USA

Mag-anyaya at Magkaroon ng Lakas ng Loob

dalagita

“Ang pag-anyaya sa mga tao na maglaro at kumain ay nakatulong sa akin na magkaroon ng mga bagong kaibigan. Kinakausap ko rin ang mga tao sa mga sayawan ng Simbahan. Medyo mahiyain ako, kaya karaniwan ay lagi lang akong nakadikit sa kagrupo ko, pero masaya ako na nagpasiya na akong magkaroon ng lakas ng loob na makakilala ng mga bagong tao, kahit na nakakaasiwa kung minsan.”

Hannah P., 14, Hawaii, USA

Gawin ang Unang Hakbang

“Gawin ang unang hakbang at batiin ng ‘hi’ ang isang tao. Maaari mo silang anyayahan sa bahay ninyo. Kung minsan nagdarasal ako, at tinutulungan ako nitong mas magtiwala sakaling hindi sila magsabi ng oo.”

Anaya P., 12, Hawaii, USA

Hanapin ang Masasaya

dalagita

“Dapat nating hingin ang gabay ng mga pamantayan ng Simbahan. Kaibiganin ang mga taong sumusunod sa Diyos. Hanapin ang iba na masasaya at nagsisikap na ipamuhay ang ebanghelyo.”

Amelie P., 14, Brazil

Ipaalam ang mga Paniniwala Mo

dalagita

“Madalas lumipat ang pamilya ko, kaya alam ko kung gaano kahirap makahanap ng mga bagong kaibigan—lalo na ng mga kaibigan na makakatulong sa akin na ipamuhay ang ebanghelyo. Natutuhan kong ipaalam ang mga pinaniniwalaan ko. Ipaalam sa iba kung sino ka at kung ano ang pinaninindigan mo. Ang mga taong makakaugnayan mo ay maaaring hindi mga miyembro ng Simbahan, ngunit maaari pa rin silang maging mabubuting kaibigan.”

Sophia N., 15, Pilipinas