2023
Magsipanahan sa Pag-ibig ng Tagapagligtas
Hunyo 2023


“Magsipanahan sa Pag-ibig ng Tagapagligtas,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hunyo 2023.

Panghuling Salita

Magsipanahan sa Pag-ibig ng Tagapagligtas

Mula sa isang mensahe sa pangkalahatang kumperensya noong Oktubre 2016.

Sinabi ni Jesus:

“Kung paanong inibig ako ng Ama, ay gayon din naman iniibig ko kayo: magsipanatili kayo sa aking pagibig.

angkla

Mga larawang-guhit ni Jarom Vogel

“Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, ay magsisipanahan kayo sa aking pagibig; gaya ng aking pagtupad sa mga utos ng aking Ama, at ako’y nananatili sa kaniyang pagibig. (Juan 15:9–10).

tinedyer na nagdarasal

Ang ibig sabihin ng “magsipanatili” o “magsipanahan sa” pag-ibig ng Tagapagligtas ay tanggapin ang Kanyang biyaya at maging ganap sa pamamagitan nito. Upang matanggap ang Kanyang biyaya, kailangan tayong manampalataya kay Jesucristo at sumunod sa Kanyang mga utos, kabilang na ang pagsisisi sa ating mga kasalanan, pagpapabinyag para sa kapatawaran ng mga kasalanan, pagtanggap sa Espiritu Santo, at pagpapatuloy sa pagsunod.

salamin sa mata

Inihayag ni Jesus na para mabayaran ang ating mga kasalanan at matubos tayo mula sa kamatayan, kapwa sa pisikal at sa espirituwal, ang Kanyang pagdurusa—ang pinakasukdulang pagpapakita ng Kanyang pag-ibig—ay naging dahilan upang ang Kanyang sarili, “maging ang Diyos, ang pinakamakapangyarihan sa lahat, na manginig dahil sa sakit, at labasan ng dugo sa bawat pinakamaliit na butas ng balat, at magdusa kapwa sa katawan at sa espiritu” (Doktrina at mga Tipan 19:18). Ang Kanyang pagdurusa sa Getsemani at sa krus ay mas matindi kaysa makakaya ng sinumang mortal. Gayunpaman, dahil sa pag-ibig Niya sa Kanyang Ama at sa atin, nagtiis Siya, at mabibigyan Niya tayo kapwa ng imortalidad at ng buhay na walang hanggan.

diamante

Katangi-tanging kaloob ang banal na pag-ibig!

Hindi ba ninyo Siya iibigin na unang umibig sa inyo? (tingnan sa 1 Juan 4:19)? Kung gayon sundin ang Kanyang mga utos. Kakaibiganin ba ninyo Siya na nagbuwis ng Kanyang buhay para sa Kanyang mga kaibigan? (tingnan sa Juan 15:13)? Kung gayon sundin ang Kanyang mga utos. Mananahan ba kayo sa Kanyang pag-ibig at tatanggapin ang lahat ng ibinibigay Niya sa inyo? Kung gayon sundin ang Kanyang mga utos. Dalangin ko na madama natin ang Kanyang pag-ibig at lubos tayong magsipanahan dito.