2023
Getsemani
Hunyo 2023


“Getsemani,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hun. 2023.

Mga Lugar mula sa mga Banal na Kasulatan

Getsemani

Alamin pa ang tungkol sa lugar kung saan nagsimula ang mga pagdurusa ng Tagapagligtas para sa atin.

kakahuyan ng olibo

Saan Ito?

Sa dalisdis ng Bundok ng mga Olibo, sa silangan ng Jerusalem.

mapa ng sinaunang Jerusalem

Paglalarawan sa mapa ng Jerusalem ni Jim Madsen

Ano ang Naroon?

Isang kakahuyan ng mga punong olibo at marahil ay isang pisaan para sa pagkuha ng langis mula sa mga olibo.

pisaan ng mga olibo

Ano ang Nangyari Dito?

Pagkatapos ng Huling Hapunan, pumunta si Jesucristo sa Getsemani kasama ang labing-isa sa Kanyang mga Apostol. Pagkatapos ay humiwalay Siya upang manalangin at isinama sina Pedro, Santiago, at Juan.

“Nagsimula siyang malungkot at mabagabag.” Sinabi niya, “Ako’y lubhang nalulungkot, hanggang sa kamatayan” (Marcos 14:33–34).

Nanalangin Siya, “Ama, kung ibig mo, ilayo mo sa akin ang kopang ito; gayunma’y huwag ang kalooban ko ang mangyari kundi ang sa iyo.

“Nagpakita sa kanya ang isang anghel na mula sa langit na nagpalakas sa kanya.

“Sa kanyang matinding paghihirap ay nanalangin siya ng higit na taimtim, at ang kanyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na tumutulo sa lupa” (Lucas 22:42–44).

Matapos ang matinding pagdurusang ito ng Tagapagligtas, Siya ay ipinagkanulo ni Judas at dinakip ng mga pinunong Judio at isang pangkat ng mga kawal na Romano.

si Jesucristo sa Getsemani

Gethsemane [Getsemani], ni Michael Malm