2023
Kumonekta
Agosto 2023


“Kumonekta,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Ago. 2023.

Kumonekta

Manulele A.

16, Hawaii, USA

Larawan
binatilyo

Larawang kuha ni Mason Coberly

Ako ay mula sa Hawaii. Ako ay isa ring receiver at running back sa football team namin sa high school.

Minsan, naglaro ang team namin sa isang tournament na ginanap sa Sabado at Linggo. Nakapagpasiya na ako na hindi ako maglalaro ng isports sa araw ng Linggo. Apat na ka-team ko ang nasugatan sa araw ng Sabado, kaya napakaraming pumipilit sa akin na maglaro sa araw ng Linggo. Pero hindi ako naglaro. Sa halip, ginusto kong magsimba at tumanggap ng sakramento. Kaya isinama ako ng pinsan ko sa simbahan.

Tinitingnan ng mga recruiter mula sa mga kolehiyo kung paano ka maglaro sa mga football tournament. Alam ko na mawawalan ako ng mga oportunidad sa hindi ko paglalaro sa araw ng Linggo. Pero alam ko rin na pagpapalain ako ng Ama sa Langit dahil sa aking katapatan. Pagkatapos ng tournament, nagpasalamat ako na kinontak ako ng dalawang kolehiyo. Pero mas lubos akong nagpasalamat sa espiritung nadama ko nang piliin kong panatilihing banal ang araw ng Sabbath.

Print