“Handa na para sa Aking Patriarchal Blessing,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Ago. 2023.
Handa na para sa Aking Patriarchal Blessing
Ibinahagi ng mga kabataan kung paano nila nalaman na iyon na ang tamang panahon.
“Nahirapan talaga ako nang ilang buwan bago ko nalaman ang tamang panahon. Nagnilay-nilay ako at nagdasal gabi-gabi. Makalipas ang ilang buwan, itinanong ng bishop ko kung may patriarchal blessing ako. Ang sabi ko ay wala, at sabi niya, ‘OK! Iinterbyuhin kita pagkatapos ng simba ngayon!’ Matapos makipag-usap sa bishop ko, nadama kong handa na akong tanggapin ang aking patriarchal blessing. Napag-isip-isip ko na ngayon na ang tanong ng bishop ko ay sagot sa mga panalanging inakala ko na hindi sinasagot.”
Si Makaya S., Texas, USA, ay tumanggap ng basbas sa edad na 15
“Paalis na ako sa lugar kung saan ako ipinanganak at lumaki at hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin sa hinaharap. Kinailangan ko ang tulong ng Diyos!”
Si Clarissa B., Washington, USA, ay tumanggap ng basbas sa edad na 13
“Nagdasal ako bago sumapit ang pangkalahatang kumperensya para malaman kung handa na ako, at parang hinikayat ako ng bawat mensahe na makatangap nito.”
Si Duncan J., Utah, USA, ay tumanggap ng basbas sa edad na 17
“Ikinuwento sa akin ng kaibigan ko na noong nasa sacrament meeting siya, naisip niya na kunin na ang kanyang patriarchal blessing. Nang sumunod na Linggo, pumasok din iyon sa isip ko, pero pakiramdam ko ay hindi ako karapat-dapat. Kaya sinikap kong maging karapat-dapat hanggang sa matanggap ko ang aking basbas. Sa isang youth camp, nagpatotoo ako tungkol sa mga patriarchal blessing, na nagbigay ng inspirasyon sa isang kaibigan na tanggapin ang kanyang basbas. Nahikayat din ng buong pangyayaring ito ang kapatid ko na paghandaang matanggap din ang kanyang basbas!”
Si Theodor W., Switzerland, ay tumanggap ng basbas sa edad na 17
“Sinimulan kong pag-isipan ito nang husto, at pagkatapos ay nag-ukol ako ng oras sa pagdarasal at pakikipag-usap sa aking mga magulang.”
Si Arial C., Idaho, USA, ay tumanggap ng basbas sa edad na 17
“Ninais ko na matanggap ito! Wala naman akong pambihirang karanasan tungkol dito. Pinag-isipan ko lang ito, ginusto ko ito, at nadama kong tama ito.”
Si Zeeli H., Utah, USA, ay tumanggap ng basbas sa edad na 16
“Hiniling ko sa Diyos na gabayan ako, at sumagot Siya na makatutulong sa akin ang patriarchal blessing.”
Si Marcelo T., Philippines, ay tumanggap ng basbas sa edad na 18
“Palagi ko itong pinag-iisipan noon! Pagkatapos, isang lesson sa seminary ang nagsabing, ‘Kung nasa isip mo ito, malamang panahon na.’”
Si Bethanie C., Utah, USA, ay tumanggap ng basbas sa edad na 15
“Nagpasiya akong taimtim na manalangin nang may hangaring makatanggap ng ideya o kabatiran mula sa Diyos.”
Si Dustin H., Maryland, USA, ay tumanggap ng basbas sa edad na 17
“Nagdasal ako para humingi ng tulong isang gabi na talagang nahihirapan ako. Pagkatapos kong magdasal, damang-dama ko na parang sinasabi sa akin na ‘Kailangan mong matanggap ang iyong basbas.’”
Si Cambrie D., Utah, USA, ay tumanggap ng basbas sa edad na 16
“Hindi ako sigurado kung handa na akong tumanggap ng aking patriarchal blessing, pero isang gabi ay lumuhod ako at ipinagdasal ito. Nakadama ako kaagad ng kagalakan at kapayapaan.”
Si Jocelyn R., Utah, USA, ay tumanggap ng basbas sa edad na 12
“Sa seminary may mga nagtatanong tungkol sa mga patriarchal blessing, at pakiramdam ko makakatulong sa akin sa high school kung mayroon ako nito.”
Si Mason S., Arizona, USA, ay tumanggap ng basbas sa edad na 14