“Maghangad na Makaunawa,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Ago. 2023.
Panghuling Salita
Maghangad na Makaunawa
Mula sa isang mensahe sa pangkalahatang kumperensya ng Abril 2019.
Ang dapat na maging layunin natin sa paghahangad na maunawaan ang ebanghelyo ni Jesucristo ay ang pag-ibayuhin ang pananampalataya sa Diyos at sa Kanyang banal na plano ng kaligayahan at kay Jesucristo at sa Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo at magkaroon ng walang hanggang pagbabalik-loob. Ang pagpapaibayong iyon ng pananampalataya at pagbabalik-loob ay tutulong sa atin na gumawa at tumupad ng mga tipan sa Diyos, sa gayo’y lalakas ang ating hangaring tularan si Jesus at magkaroon ng tunay na espirituwal na pagbabago sa ating kalooban. Ang pagbabagong ito ay magbibigay sa atin ng mas masaya, mabunga, at malusog na buhay at tutulong sa ating mapanatili ang walang-hanggang pananaw.
Upang makamit ito, kailangan nating sumunod kay Jesucristo sa pamamagitan ng paglublob ng ating mga sarili sa mga banal na kasulatan, pagkakaroon ng kagalakan dito, pag-aaral ng Kanyang doktrina, at pagsisikap na mamuhay na katulad Niya. At saka lang natin Siya makikilala pati na ang Kanyang tinig, batid na kapag lumapit at nanalig tayo sa Kanya, hinding-hindi na tayo magugutom o mauuhaw (tingnan sa Juan 6:35).
Hindi iyan nagkataon lamang. Ang pag-ayon natin sa pinakamatataas na impluwensya ng kabanalan ay hindi isang simpleng bagay; nangangailangan ito ng pagtawag sa Diyos at pagkatuto kung paano gawing sentro ng ating buhay ang ebanghelyo ni Jesucristo.
Pinatototohanan ko sa inyo na kapag masigasig, taos-puso, matibay, at taimtim na hinangad nating matutuhan ang ebanghelyo ni Jesucristo at itinuro ito sa isa’t isa nang may tunay na layunin at sa ilalim ng impluwensya ng Espiritu, maaaring baguhin ng mga turong ito ang mga puso at maghikayat ng hangaring mamuhay ayon sa mga katotohanan ng Diyos.