“Pader o Tulay?” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Ago. 2023. Pader o Tulay? Ni David A. Edwards; mga paglalarawan ni Norman Shurtliff Tingnan mo kung paano siya magbihis. Hindi mo ba alam kung saan siya nakatira? Kakatwa siya. Nakakaasiwa siya. Wala siya sa uso. Ang babaw nila. Akala nila ay napakatalino nila. Akala nila ay mas angat sila kaysa sa akin. Hindi natin siya kailangang imbitahin, ‘di ba? Nakakainis siya. Kakaiba talaga siya. Ang Pagmamahal ng Diyos Ako ay anak ng Diyos—at gayon din siya. Mahal ng Diyos ang lahat ng Kanyang mga anak. Dapat kong sikaping tingnan siya tulad ng pagtingin sa kanya ng Diyos. Dapat natin siyang tulungan at anyayahan sa ating aktibidad. Kailangan ko lang siyang kilalanin. Hindi mahalaga kung magkakaiba tayo. Iwasan nating maging mapamintas sa isa’t isa. Ano ang mas maganda kaysa sa pagiging mabait? Magkakasama tayong lahat dito. Kailangan nating lahat na lumapit kay Jesucristo. Ano ang gusto mong itayo?