2023
Ano ang papel na ginagampanan ng lohika at kakayahang mangatwiran sa ebanghelyo?
Agosto 2023


“Ano ang papel na ginagampanan ng lohika at kakayahang mangatwiran sa ebanghelyo?,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Ago. 2023.

Tuwirang Sagot

Ano ang papel na ginagampanan ng lohika at kakayahang mangatwiran sa ebanghelyo?

Larawan
pagbabalanse ng mga bato

Gaya ng panghihikayat sa atin ng Panginoon na maging malusog ang ating pangangatawan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 89), hinihikayat din Niya tayo na gamitin at palakasin ang kakayahan nating mag-isip at mangatwiran (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 130:18–19). Dapat tayong gumamit ng lohika, sentido-kumon, at kakayahang mangatwiran para matuto, gumawa ng mga desisyon, at ipamuhay ang katotohanan sa bawat araw.

Pero tulad ng sinabi ni Pangulong Henry B. Eyring ng Unang Panguluhan: “Ang [paghatol] at makatwirang pag-iisip ng tao ay hindi magiging sapat para masagot ang mga tanong na pinakamahalaga sa buhay. Kailangan natin ng paghahayag mula sa Diyos” (“Patuloy na Paghahayag,” pangkalahatang kumperensya ng Okt. 2014 [Liahona, Nob. 2014, 70]).

Ang ating likas na kakayahang mangatwiran ay hindi angkop sa paghiwatig ng mga espirituwal na bagay. Dapat tayong umasa sa paghahayag sa pamamagitan ng Espiritu para diyan (tingnan sa 1 Corinto 2:14). “Ang Espiritu ay nagsasabi … ng mga bagay kung ano talaga ang mga ito” (Jacob 4:13; idinagdag ang diin). Ang Espiritu ay nangungusap tungkol sa mas mataas at mas lubos na katotohanan kaysa sa katotohanang nakikita natin sa ating mga pandama at lohika (tingnan sa Isaias 55:8–9). At kung ipinahihiwatig sa iyo ng Espiritu na gawin ang isang bagay na walang katuturan sa una, maging madasalin at tandaan na lagi kang pagpapalain kapag hinahangad mong sundin ang Espiritu.

Print