2023
Ang Mabuting Pastol
Agosto 2023


“Ang Mabuting Pastol,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Ago. 2023.

Ang mga Talinghaga ng Tagapagligtas

Juan 10:1–11

Ang Mabuting Pastol

Larawan
data-poster

I-download ang PDF

Isang tulisan ang gustong magnakaw ng mga tupa, pero hindi siya makapasok sa pintuan.

Nang subukan ang isa pang mapapasukan, tinawag ng magnanakaw ang mga tupa. Pero hindi siya pinakinggan ng mga ito dahil alam nilang siya ay isang estranghero.

Tinawag ng pastol ang kanyang mga tupa para akayin ang mga ito palabas ng pintuan patungo sa mga luntiang pastulan.

Sinusunod ng mga tupa ang pastol dahil kilala ng mga ito ang kanyang tinig.

Ano ang Ibig Sabihin Nito

Sinabi ng Tagapagligtas na ang pastol ay kumakatawan sa Kanya. Ang mga tupa ay kumakatawan sa Kanyang mga tagasunod, at ang tulisan o magnanakaw ay kumakatawan sa mga taong nangangaral laban sa Kanya.

Mga Tanong para sa Iyo

Kung tatawagan ka ng mga estranghero sa iyong telepono, hahayaan mo ba silang gambalain o linlangin ka?

Nakikilala mo ba ang tinig ng Tagapagligtas?

Susundin mo ba Siya kapag tinatawag ka Niya?

Print