2023
Paano mo personal na nadarama ang Espiritu at ang Kanyang mga pahiwatig?
Agosto 2023


“Paano mo personal na nadarama ang Espiritu at ang Kanyang mga pahiwatig?,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Agosto. 2023.

Mga Tanong at mga Sagot

“Paano mo personal na nadarama ang Espiritu at ang Kanyang mga pahiwatig?”

Biglaang mga Ideya at Kaisipan

dalagita

“Nadarama ko ang Espiritu at nakatatanggap ako ng mga pahiwatig sa pamamagitan ng biglaang mga ideya at naiisip ko. Nangyayari ito kapag bukas ang aking isipan sa Diyos. Sa Young Women camp, talagang nalungkot ako. Naglakad ako papunta sa aking cabin at ipinagdasal ko ito. Pagkatapos ay nadama ko na kailangan kong bumalik. Ginawa ko iyon at nakipag-usap sa mga lider ko. Napakasaya namin sa pag-zipline at pagkain ng snow cones! Ang karanasang ito ay nakatulong sa akin na malaman kung paano ko madarama ang Espiritu.”

Harper J., 14, Oregon, USA

Kapayapaan sa Kalikasan

dalagita

“Ang kapayapaan ng kalikasan ay tumutulong sa akin na madama ang Espiritu. Pinapayapa ako ng kalikasan kapag may bagay na nagpapahirap sa akin. Madalas akong umupo o lumakad sa labas at pinagninilayan kung paano ko mapaglalabanan ang aking mga paghihirap. Nakatanggap ako ng maraming pahiwatig habang napapaligiran ako ng kalikasan.”

Addison P., 14, North Carolina, USA

Kumilos ayon sa mga Pahiwatig

dalagita

“Huwag balewalain ang mga pahiwatig kahit maliliit lamang ito. Kahit ang isang ideya lang na magsabi ng isang bagay sa isang tao ay maaaring paraan ng Espiritu na magpahiwatig sa iyo. Kahit tila maliit ang pahiwatig, kumilos ayon dito. Kapag ipinakita mo na handa kang kumilos nang may pananampalataya, ipapadama Niya sa iyo na gumawa ng iba pa.”

Rose W., 15, Utah, USA

Pagiging handa

dalagita

“Nadarama ko ang mga pahiwatig ng Espiritu kapag handang-handa ako. Ginagawa ko ito sa pamamagitan ng pagdarasal nang taos-puso at pagsisikap hangga’t kaya ko para pakinggan Siya. Kapag pakiramdam ko ay handa na ako, mas may kumpiyansa ako at matatag. Alam ko na kapag handa tayo, matatanggap natin ang mga pahiwatig ng Espiritu.”

Pauline K., 17, Fiji

Ang Mang-aaliw

dalagita

“Pinapanatag ako ng Espiritu. Minsan, nagdasal ako na tulungan ako sa isang partikular na isyu. Habang nagdadasal, napanatag ako. Alam ko na basta’t palagi kong sinusunod ang Kanyang payo, tutulungan at papanatagin ako ng Diyos. Dahil dito nahikayat akong magbasa ng mga banal na kasulatan at gawin ang lahat ng makakaya ko para madama nang madalas ang Espiritu.”

Sophie G., 15, Minnesota, USA