2023
Pagpiling Maglingkod
Setyembre 2023


“Pagpiling Maglingkod,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Set. 2023.

Magagawa Ko ang Lahat ng Bagay sa Pamamagitan ni Cristo

Ibinahagi ng mga kabataan kung paano sila napalakas ni Cristo na gawin ang mahihirap na bagay (tingnan sa Mga Taga Filipos 4:13).

Pagpiling Maglingkod

binatilyo

Noon pa man ay gusto kong magmisyon, pero nang mag-18 anyos ako, nagsimula ang pandemya. Hindi ko dama na handa akong maglingkod, kaya nagsimula akong mag-aral sa kolehiyo, at nakatanggap ako ng magandang scholarship. Maraming tao ang nagsabi na hindi ako dapat magmisyon. Pakiramdam ko ay nawawala ang hangarin kong maglingkod.

Pero sa pangkalahatang kumperensya ay sinabi ni Pangulong M. Russell Ballard na, “Kung pasok pa kayo sa edad na maaaring magmisyon ngunit hindi pa nakapaglingkod dahil sa pandemya o iba pang mga dahilan, inaanyayahan ko kayong maglingkod ngayon.”1 Nang sabihin niya ang salitang “ngayon,” nadama ko na parang ako ang kausap niya—na kailangan kong magmisyon ngayon. Simula noong araw na iyon ipinagdasal ko ito at nakatanggap ako ng kumpirmasyon na panahon na para paglingkuran ko ang Panginoon.

Marami akong natanggap na pambabatikos tungkol sa desisyon ko. Nakansela rin ang scholarship ko. Pero ang hangarin kong magmisyon ay sapat na upang hindi na maging mahalaga ang alinman sa mga bagay na iyon. Tinawag akong maglingkod sa Guatemala Quetzaltenango Mission. Napakaespesyal nito dahil nabuklod ang mga magulang ko para sa kawalang-hanggan sa Guatemala.

Kung nag-iisip ka kung dapat kang magmisyon, hindi pa huli ang lahat! Palaging magtiwala sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Gagabayan at bibiyayaan Nila tayo ng mga bagay na hindi natin maiisip.

Enoc M., Dominican Republic