2023
Bakit kailangan nating magsagawa ng mga binyag para sa mga yumaong ninuno?
Setyembre 2023


“Bakit kailangan nating magsagawa ng mga binyag para sa mga yumaong ninuno?,” Para sa Lakas ng mga Kabataan , Set. 2023.

Tuwirang Sagot

Bakit kailangan nating magsagawa ng mga binyag para sa mga yumaong ninuno?

mga kabataang lalaki na may mga piraso ng papel sa harapan ng templo

Itinuro ni Jesucristo na lahat ng tao ay kailangang mabinyagan upang makapasok sa kaharian ng Diyos pagkatapos ng buhay na ito (tingnan sa Juan 3:5). Pero maraming tao ang hindi nagkaroon ng gayong pagkakataon.

Inihayag ng Diyos na maaaring ipangaral ang ebanghelyo ni Jesucristo sa mga taong pumanaw na hindi nabinyagan na nasa daigdig ng mga espiritu (tingnan sa I Ni Pedro 3:18–19; Doktrina at mga Tipan 138:30–33). Inihayag din Niya na ang mga nabubuhay ay maaaring mabinyagan para sa mga taong ito (tingnan sa I Mga Taga Corinto 15:29; Doktrina at mga Tipan 124; 128). Ang mga pagbibinyag na ito ay kailangang gawin dito sa lupa.

Maaari nating hanapin ang mga talaan ng mga yumaong ninuno at magsagawa ng mga binyag para sa kanila sa mga templo. Binibigyan sila nito ng pagkakataong tanggapin ang binyag, na kailangan para sa kahariang selestiyal.

Sinabi ni Elder D. Todd Christofferson: “Ang mga pagsisikap natin para sa kapakanan ng mga yumao ay nagpapatotoo na si Jesucristo ang banal na Manunubos ng buong sangkatauhan. Ang Kanyang biyaya at pangako ay tumutulong maging sa mga taong hindi Siya natagpuan sa buhay na ito” (pangkalahatang kumperensya ng Okt. 2000 [Ensign, Nob. 2000, 11]).