“Si Cristo nga’y Nagbangon,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Set. 2023.
Taludtod sa Taludtod
Si Cristo nga’y Nagbangon
Alamin ang itinuro ni Apostol Pablo tungkol sa Pagkabuhay na Muli ni Jesucristo.
ngayon si Cristo ay nagbangon mula sa mga patay
Si Jesucristo ay namatay sa krus, inihimlay sa isang puntod, at nagbangon mula sa mga patay sa ikatlong araw.
pangunahing bunga ng nangatutulog
Ang ibig sabihin ng salitang Griyego na ginamit dito para sa pangunahing bunga ay ang pinakaunang pananim ng taon. Ito ang unang aanihin—ang una sa marami pang darating.
Ang ibig sabihin ng katagang natutulog nangatutulog ay “yaong mga nangamatay.”
Si Jesucristo ang unang nabuhay na muli, at pagkatapos ng Kanyang Pagkabuhay na Muli, lahat ng tao ay mabubuhay na muli.
sa pamamagitan ng tao ay dumating ang kamatayan
Ito ay patungkol kay Adan. Ang kanyang pagkahulog ay nangangahulugan na lahat ng taong paparito sa mundo ay mamamatay. (Tingnan sa Moises 4.)
kay Cristo ang lahat ay bubuhayin
Dahil sa Pagkabuhay na Muli ni Jesucristo, lahat ng tao ay mabubuhay na muli. Ibig sabihin nito, ang lahat ng nabuhay o mabubuhay ay mabubuhay na muli. Ang ating espiritu ay muling magsasama sa ating katawan, at ang ating katawan ay magiging perpekto at imortal. (Tingnan sa Alma 11:44–45.)