2023
Ano ang maaari kong gawin kung sa pakiramdam ko ay wala akong mga espirituwal na karanasan?
Setyembre 2023


“Ano ang maaari kong gawin kung sa pakiramdam ko ay wala akong mga espirituwal na karanasan?,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Set. 2023.

Mga Tanong at mga Sagot

“Ano ang maaari kong gawin kung sa pakiramdam ko ay wala akong mga espirituwal na karanasan?”

Pagnilayan, Isulat, at Pag-isipan

dalagita

“Sa pagtatapos ng maghapon, nag-uukol ako ng oras na magnilay-nilay at magsulat sa aking journal tungkol sa mga espirituwal na karanasang natanggap ko sa araw na iyon at pag-isipan ang mga ito. Kapag ginagawa ko ito, nakakadama ako ng kapayapaan. Ipinapaalala rin nito sa akin na maghanap ng mga espirituwal na karanasan araw-araw.”

Kianna G., 16, Zamboanga del Norte, Pilipinas

Humingi sa Diyos

binatilyo

“Ang patuloy na pagbabasa ng iyong mga banal na kasulatan at pagdarasal araw-araw ay magandang paraan para maipakita sa Diyos na gusto mong magkaroon ng mga espirituwal na karanasan. Kung sa pakiramdam mo ay wala kang mga espirituwal na karanasan, taimtim na hilingin sa Diyos na tulungan kang mapansin ang mga ito. Mahal ka Niya at sasagutin Niya ang iyong mga dalangin habang hinahangad mong gawin ang iyong bahagi.”

Elijah C., 15, Utah, USA

Maging Matiyaga

dalagita

“Maging matiyaga. Ang iyong mga karanasan ay hindi palaging magiging katulad ng sa ibang tao.”

Isabella F., 16, São Paulo, Brazil

Ipamuhay ang Ebanghelyo

dalagita

“Magkakaroon tayo ng mga espirituwal na karanasan sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga banal na kasulatan, pakikinig sa mga salita ng propeta, pag-aayuno, pagdarasal, pagpunta sa templo, at paglilingkod sa kapwa. Ang mga bagay na ito ay tumutulong sa atin na mas mapalapit kay Cristo at maging mas madaling tumanggap ng mga pahiwatig mula sa Espiritu Santo na nagdudulot sa atin ng kapayapaan.”

Nellie R., 16, Hidalgo, Mexico

Pagtuunan ng Pansin

dalagita

“Kailangan nating palaging tandaan na pansining mabuti ang mga pahiwatig ng Banal na Espiritu. Makukuha natin ang mga ito sa pinakamaliliit na bagay. Kahit maliit ang mga ito, maaaring umalingawngaw ang mga ito sa kawalang-hanggan.”

Melissa A., 14, Paraíba, Brazil