Para sa Lakas ng mga Kabataan
Gusto Ko Bang Makipagkaibigan sa Kagaya Ko?
Hunyo 2024


“Gusto Ko Bang Makipagkaibigan sa Kagaya Ko?” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hunyo 2024.

Gusto Ko Bang Makipagkaibigan sa Kagaya Ko?

Tumingin ka sa salamin—nang literal.

Gusto Ko Bang Makipagkaibigan sa Kagaya Ko?

I-download ang PDF

Hiniling mo na ba na sana ay medyo ibahin ng isang kaibigan ang paggawa sa isang bagay? Tulad ng pagtulong pa sa iyo, bawasan ang panunukso sa iyo, o suportahan ka sa isang bagay? Mahalagang magkaroon ng mabubuting kaibigan. Pero una, maaaring makatulong ang maging mabuting kaibigan.

Oras na para sa kaunting pagmumuni-muni: Ikaw ba ang uri ng kaibigan na gusto mong kaibiganin? Tinutularan mo ba ang halimbawa ni Jesucristo sa iyong mga pakikipagkaibigan?

Tingnan natin ang salamin. Itanong sa iyong sarili ang bawat isa sa mga tanong na ito, at pagkatapos ay tingnan kung paano ka magiging mas mabuting kaibigan.

ulo na may salamin
  1. Ano ang ginagawa ng iyong mga kaibigan na pinasasalamatan mo?

    Pag-isipan: Suklian o gantihan sila sa ilan sa kanilang kabutihan. Ano ang mahusay nilang ginagawa na nais mong gawin para sa kanila?

  2. Ano ang hinihiling mong simulang gawin ng iyong mga kaibigan?

    Pag-isipan: Sa halip na hintayin sila, ano ang masisimulan mong gawin? Maaaring makatulong ito.

  3. Ano ang iniisip mong tigilan sanang gawin ng mga kaibigan mo?

    Pag-isipan: TUMIGIL. Bago ka magtuon sa kanilang mga pagkakamali, ano sa mga bagay na iyon ang kailangan mo mismong itigil?

  4. Ano ang sasabihin ng mga kaibigan mo na gusto nila tungkol sa iyo?

    Pag-isipan: Magtuon sa iyong mga kalakasan! Paano mo magagawa nang mas madalas ang mga bagay na iyon?

  5. Ano ang sasabihin ng mga kaibigan mo na maaari mong pagsikapan para maging mas mabuting kaibigan?

    Pag-isipan: Ano ang isang bagay na babaguhin mo para maging pinakamabuting kaibigan na kaya mong maging?

Sana ay nasiyahan kang tumingin sa salamin. Isa pang tanong—ang pinakamahalaga:

  • Paano ka magiging higit na katulad ng Tagapagligtas na si Jesucristo sa iyong mga kaibigan?