Para sa Lakas ng mga Kabataan
Ano ang eksaktong ipinapangako natin kapag nabinyagan tayo?
Hunyo 2024


“Ano ang eksaktong ipinapangako natin kapag nabinyagan tayo?,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hunyo 2024.

Tuwirang Sagot

Ano ang eksaktong ipinapangako natin kapag nabinyagan tayo?

Larawan
binyag

Baptism [Binyag], ni Annie Henrie Nader

Itinuturo sa atin ng mga banal na kasulatan na kapag tayo ay bininyagan, tayo ay nakikipagtipan (o nangangako) na magiging handang taglayin sa ating sarili ang pangalan ni Jesucristo, paglilingkuran ang Diyos, at susundin ang Kanyang mga kautusan (tingnan sa Mosias 18:10; Doktrina at mga Tipan 20:37, 77).

Nalaman din natin sa mga banal na kasulatan na ang binyag ay tumutulong sa atin na matupad ang ating hangarin “na lumapit sa kawan ng Diyos, at matawag na kanyang mga tao” (Mosias 18:8). Sa madaling salita, ang isang dahilan kung bakit tayo nabinyagan ay nais nating sumapi sa Simbahan ni Jesucristo at matamasa ang pagmamahal at pagiging kabilang na nagmumula sa pakikiisa kay Cristo.

Ang pangakong maglilingkod sa Panginoon at susundin ang Kanyang mga kautusan ay maaaring kabilangan ng maraming bagay sa kabuuan ng ating buhay. Halimbawa, kabilang dito ang “nahahandang magpasan ng pasanin ng isa’t isa, … makidalamhati sa mga yaong nagdadalamhati, oo, at aliwin yaong mga nangangailangan ng aliw, at tumayo bilang mga saksi ng Diyos sa lahat ng panahon at sa lahat ng bagay, at sa lahat ng lugar” (Mosias 18:8–9).

Print