Para sa Lakas ng mga Kabataan
Pumanaw kamakailan ang Itay ko. Paano ako magiging masaya ulit? Siya ang matalik kong kaibigan.
Hunyo 2024


“Pumanaw kamakailan ang Itay ko. Paano ako magiging masaya ulit? Siya ang matalik kong kaibigan,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hunyo 2024.

Mga Tanong at mga Sagot

“Pumanaw kamakailan ang Itay ko. Paano ako magiging masaya ulit? Siya ang matalik kong kaibigan.”

dalagita

“Tayong lahat ay mabubuhay na mag-uli, kabilang na ang iyong ama. Napakaganda ng araw na iyon. Ang pagdarasal sa Panginoon para humingi ng tulong ay nakatutulong din sa paghihirap na ito.”

Laura L., 11, Rio Grande do Sul, Brazil

dalagita

“Namatay ang tatay ko noong mas bata pa ako. Sa pakiramdam ay parang lubos na imposible ang kaligayahan. Gayunman, mapapatotohanan ko na maaabot ito. Nababatid ito, sa pamamagitan ng plano ng Ama sa Langit, dahil hindi ang kamatayan ang katapusan, nagdulot ito sa akin ng higit na kaligayahan kaysa matatagpuan saanman. Mapanatag na nalalaman mo na makakasama mong muli ang tatay mo.”

Christina V., 18, Texas, USA

dalagita

“Nalaman ko na maaari akong manatiling masaya sa pamamagitan ng paghahanap ng mga himala. Alalahanin at pag-isipan ang mga paraan na inihanda ka ng Panginoon para sa iyong pagsubok. Natuklasan ko na kapag pumupunta ako sa templo, mas nadarama ko doon ang tatay ko. Ipagdasal na madama na kasama mo ang tatay mo at madama ang kapanatagang hatid ng Panginoon.”

Madison R., 13, Utah, USA

dalagita

“Dahil namatay si Jesus para sa atin, may pagkakataon tayong mabuhay na muli. Tingnan ang mga mahal ninyo sa buhay, at aaliwin kayo ng Espiritu sa inyong mga pagsubok. Alalahanin na nadama at nalaman ni Jesus ang pinagdaraanan mo, at hindi ka nag-iisa kailanman.”

Brinlee F., 13, Texas, USA

dalagita

“Mula nang pumanaw ang tatay ko, natuklasan ko na ang paggawa ng mga proxy baptism sa templo ay tumutulong sa akin na maging masaya. Hindi palaging madaling gunitain ang magagandang alaala kapag nalulungkot ka. Gayunman, maaari kang maging mas masaya bawat araw sa pamamagitan ng paglilingkod para sa iba tulad ng paggawa ng gawain sa templo at family history.”

Ivory M., 13, Iowa, USA