“Walang Ano Mang Bagay ang Kasingganda at Kasingtamis ng Aking Kagalakan” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hunyo 2024.
Mga Salitang Ipamumuhay
“Walang Ano Mang Bagay ang Kasingganda at Kasingtamis ng Aking Kagalakan”
Hango sa isang mensahe sa pangkalahatang kumperensya ng Abril 2023.
Ang kagalakan ay isang banal na katangian. Ito ay mas malalim, nagpapasigla, nagtatagal, at nagpapabago ng buhay kaysa anumang kasiyahan o kaginhawahang maibibigay ng mundong ito.
Ang pagtubos, ng at sa pamamagitan ng Tagapagligtas na si Jesucristo, ay ginagawang posible ang kagalakan.
Mga larawang-guhit ni Katy Dockrill
Ang Kagalakan ay Dumarating sa Pamamagitan ng Taimtim na Pagsisisi
Ang pagsisisi ay naghahatid ng kagalakan dahil inihahanda nito ang ating puso na tanggapin ang impluwensya ng Espiritu Santo. Ang ibig sabihin ng mapuspos ng Espiritu Santo ay mapuspos ng kagalakan. At ang ibig sabihin ng mapuspos ng kagalakan ay mapuspos ng Espiritu Santo.
Ang Kagalakan ay Dumarating sa Pamamagitan ng Pagtulong sa Iba na Magsisi
Pagkatapos nating madama ang kagalakang nagmumula sa taos na pagsisisi, natural na naisin nating ibahagi ang kagalakang iyon sa iba. At kapag ginawa natin iyon, nadaragdagan ang ating kagalakan.
Ang Kagalakan ay Dumarating sa Pamamagitan ng Paglapit kay Cristo
Ang pinaka-pinagtutuunan ni Jesucristo, ang Kanyang “gawain at [Kanyang] kaluwalhatian,” (Moises 1:39) ay tulungan tayong matanggap ang ganap na kagalakan sa Kanya.
Ang pagsisisi araw-araw at paglapit kay Jesucristo ang paraan upang maranasan ang kagalakan—kagalakang higit pa sa kaya nating isipin. Iyan ang dahilan kaya narito tayo sa lupa.