“Bayani ng (Simpleng) Paglilingkod,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hunyo 2024. Bayani ng (Simpleng) Paglilingkod Ni Jessica Zoey Strong; mga larawang guhit ni Garth Bruner Ako si Bayaning Tagapaglingkod, narito upang magsilbi! Mayroon bang nawawalang mga bata? Mayroon bang mga pusang hindi makababa mula sa puno? Wala siguro. Kinabukasan Hmm. Walang palatandaan ng bagyo. Mangangailangan sana iyon ng maraming paglilingkod. Kalaunan Mamá, may alam po ba kayong anumang serbisyo na magagawa ko? Natitiyak kong gustung-gusto ni Adriana ang tulong para sa kanyang proyekto sa sining. Hindi po talaga iyon ang nasa isip ko, pero OK. Siguro ito nga ay paglilingkod rin. … Kinabukasan Handa na akong maglingkod sa paaralan! May lalampasuhin pa po ba? Wala! Wala na akong iba pang lampaso! Hmm. Siguro ay may hindi ako napapansing mga simpleng paraan ng paglilingkod, gaya ng pagtulong kay Adriana kahapon. Bago ka ba rito? Ako si Leo!