Para sa Lakas ng mga Kabataan
Kumonekta
Hunyo 2024


“Kumonekta,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hunyo 2024.

Kumonekta

Gabriela R.

Guadalajara, Mexico, edad 17

dalagita

Larawang-kuha ni Shirley Brito

Taga-Guadalajara, Mexico ako. Mahilig akong kumain ng tradisyunal na pagkain ng Mexico, lalo na ng tlayudas (malalaking tortilla na may masarap na toppings), at ipagdiwang ang Araw ng Kasarinlan ng Mexico at ang Araw ng mga Patay.

Kailan lamang ay nagdiborsyo ang mga magulang ko. Noong una, pakiramdam ko ay kasalanan ko iyon, pero alam ko na ngayon na hindi. Kung ganito rin ang pinagdaraanan mo, dapat mong malaman na hindi mo rin ito kasalanan. Natutuhan ko na nakakatulong ang pagbabasa ng mga banal na kasulatan at makabubuting pag-isipang magpatingin sa isang psychologist o sumubok ng mga bagong bagay tulad ng pagluluto, pagdodrowing, o pag-ehersisyo.

Bagama’t napakahirap ng karanasang ito, hindi na ako nag-aalala. Ang pagsisimba, pakikinig sa Diyos, at pagsunod sa Kanyang mga kautusan ay nakatulong sa akin na mapalakas ang aking pananampalataya.

Kung minsan, kapag may pinagdaraanan kang mahirap na bagay, madaling ilayo ang sarili mo sa Diyos. Pero sa pamamagitan ng pag-aayuno at pananalangin nang taimtim, nanatili ako sa tamang landas. Alam kong mahal ako ng Diyos.