Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan: Kronolohiya, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
Kronolohiya, Resources na Pangkasaysayan para sa Doktrina at mga Tipan
Kronolohiya
Iniaayon ng kronolohiyang ito ang bawat isa sa mga paghahayag sa Doktrina at mga Tipan sa konteksto ng piniling mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Simbahan.
1805–1823
23 Dis. 1805 |
Si Joseph Smith Jr. ay ipinanganak sa Sharon, Vermont, kina Joseph Sr. at Lucy Mack Smith. |
mga 1812 |
Nagkaroon ng tipus si Joseph Smith. Dahil sa mga kumplikasyon, kinailangan ang operasyon para tanggalin ang naimpeksyong buto ng kanyang binti. |
Taglamig 1816–1817 |
Inilipat nina Joseph Sr. at Lucy Mack Smith ang kanilang pamilya sa isang bukid sa Manchester, New York, dalawang milya sa timog ng nayon ng Palmyra. |
Tagsibol 1820 |
Ang Unang Pangitain: Matapos basahin at pagnilayan ang paanyaya ni Santiago na “humingi sa Diyos,” nanalangin si Joseph Smith sa kakahuyan malapit sa kanyang tahanan at siya ay dinalaw ng Diyos, ang Amang Walang Hanggan, at ng Kanyang Anak na si Jesucristo. |
21–22 Set. 1823 |
Dinalaw ng anghel na si Moroni si Joseph Smith at sinabi sa kanya ang tungkol sa isang sinaunang talaang nakatago sa kalapit na burol na naglalaman ng kabuuan ng ebanghelyo. Iniutos kay Joseph na bumalik taun-taon sa burol hanggang sa maipagkatiwala sa kanya ang talaan. Doktrina at mga Tipan 2: Isang sipi mula sa kasaysayan ni Joseph Smith na nagsasalaysay ng mga salita ng anghel na si Moroni kay Joseph Smith, ang Propeta, habang nasa bahay ng ama ng Propeta sa Manchester, New York. |
19 Nob. 1823 |
Namatay ang nakatatandang kapatid ni Joseph Smith na si Alvin. |
1827–1828
18 Ene. 1827 |
Pinakasalan ni Joseph Smith si Emma Hale sa South Bainbridge, New York. Kalaunan ay lumipat sila sa Manchester Township, New York. |
22 Set. 1827 |
Tinanggap ni Joseph ang mga laminang ginto mula kay Moroni. |
Dis. 1827 |
Sina Joseph at Emma Smith ay lumipat 130 milya mula sa Manchester Township, New York, patungong Harmony Township, Pennsylvania. |
Peb. 1828 |
Dinala ni Martin Harris ang manuskrito ng mga titik na kinopya mula sa mga lamina ng Aklat ni Mormon sa mga eksperto sa Lunsod ng New York at Albany, New York. |
Abr.–Hunyo 1828 |
Isinalin ni Joseph Smith, kasama si Martin Harris bilang tagasulat, ang bahagi ng talaang kilala bilang Aklat ni Lehi. |
mga 14 Hunyo 1828 |
Hinikayat ni Martin Harris si Joseph Smith na ipadala sa kanya ang mga pahina ng manuskrito ng pagsasalin ng Aklat ni Mormon sa Palmyra, New York, upang ipakita sa mga miyembro ng pamilya. Nalaman ni Joseph Smith na nawala ni Martin ang mga pahina noong mga unang araw ng Hulyo, 1828. |
Hulyo 1828 |
Doktrina at mga Tipan 3: Paghahayag na ibinigay kay Joseph Smith, ang Propeta, sa Harmony, Pennsylvania, na may kaugnayan sa pagkawala ng 116 na pahina ng manuskrito na isinalin mula sa unang bahagi ng Aklat ni Mormon. Ang mga lamina ay pansamantalang kinuha mula kay Joseph Smith sa panahong ito. |
22 Set. 1828 |
Ang mga lamina at kapangyarihang magsalin ay ipinanumbalik kay Joseph Smith. |
1829
Peb. 1829 |
Doktrina at mga Tipan 4: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa kanyang amang si Joseph Smith Sr., sa Harmony, Pennsylvania. |
Mar. 1829 |
Doktrina at mga Tipan 5: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Harmony, Pennsylvania, sa kahilingan ni Martin Harris. |
7 Abr. 1829 |
Masigasig na ipinagpatuloy ni Joseph Smith ang pagsasalin ng aklat ni Mosias sa Aklat ni Mormon. Si Oliver Cowdery, na dumating sa tahanan ni Joseph Smith sa Harmony, Pennsylvania, noong ika-5 ng Abril, ay naglingkod bilang tagasulat. |
Abr. 1829 |
Doktrina at mga Tipan 6: Paghahayag na ibinigay kina Joseph Smith, ang Propeta, at Oliver Cowdery, sa Harmony, Pennsylvania. |
Abr. 1829 |
Doktrina at mga Tipan 7: Paghahayag na ibinigay kina Joseph Smith, ang Propeta, at Oliver Cowdery, sa Harmony, Pennsylvania. |
Abr. 1829 |
Doktrina at mga Tipan 8: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, kay Oliver Cowdery, sa Harmony, Pennsylvania. |
Abr. 1829 |
Doktrina at mga Tipan 9: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, kay Oliver Cowdery, sa Harmony, Pennsylvania. |
mga Abr. 1829 |
Doktrina at mga Tipan 10: Paghahayag na ibinigay kay Joseph Smith, ang Propeta, sa Harmony, Pennsylvania, marahil noong mga Abril 1829, bagama’t maaaring natanggap na ang ilang bahagi noong tag-init ng 1828. |
Mayo 1829 |
Doktrina at mga Tipan 11: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa kanyang kapatid na si Hyrum Smith, sa Harmony, Pennsylvania. |
Mayo 1829 |
Doktrina at mga Tipan 12: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, kay Joseph Knight Sr., sa Harmony, Pennsylvania. |
15 Mayo 1829 |
Ipinanumbalik ni Juan Bautista ang Aaronic Priesthood kina Joseph Smith at Oliver Cowdery. Doktrina at mga Tipan 13: Isang hango mula sa kasaysayan ni Joseph Smith na nagsasalaysay ng ordenasyon ng Propeta at ni Oliver Cowdery sa Aaronic Priesthood malapit sa Harmony, Pennsylvania. Matapos matanggap ang priesthood, at sundin ang mga tagubilin ni Juan Bautista, bininyagan nina Joseph at Oliver ang isa’t isa. |
mga 1 Hunyo 1829 |
Nakilala ni David Whitmer si Joseph Smith at tinulungan niya itong lumipat, kasama si Oliver Cowdery, sa bukid ng mga Whitmer sa Fayette Township, New York. Sumunod si Emma Smith makalipas ang ilang panahon. |
Hunyo 1829 |
Doktrina at mga Tipan 14: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, kay David Whitmer, sa Fayette, New York. |
Hunyo 1829 |
Doktrina at mga Tipan 15: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, kay John Whitmer, sa Fayette, New York. |
Hunyo 1829 |
Doktrina at mga Tipan 16: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, kay Peter Whitmer Jr., sa Fayette, New York. |
Hunyo 1829 |
Doktrina at mga Tipan 18: Paghahayag kina Joseph Smith, ang Propeta, Oliver Cowdery, at David Whitmer, na ibinigay sa Fayette, New York. |
Hunyo 1829 |
Doktrina at mga Tipan 17: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, kina Oliver Cowdery, David Whitmer, at Martin Harris, sa Fayette, New York, bago ipinakita sa kanila ang mga nakaukit na lamina na naglalaman ng talaan ng Aklat ni Mormon. |
Mga huling araw ng Hunyo 1829 |
Ipinakita ng isang anghel ng Diyos ang mga lamina sa Tatlong Saksi. Ipinakita ni Joseph Smith ang mga lamina sa Walong Saksi. |
mga Tag-init 1829 |
Doktrina at mga Tipan 19: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, sa Manchester, New York, marahil noong tag-init ng 1829. |
mga 1 Hulyo 1829 |
Natapos ang pagsasalin ng Aklat ni Mormon, Fayette Township, New York. |
25 Ago. 1829 |
Ipinangako ni Martin Harris ang kanyang bukid para tiyakin ang pagbabayad kay E. B. Grandin para sa pag-imprenta ng 5,000 kopya ng Aklat ni Mormon sa Palmyra, New York. |
1830
Mga unang buwan ng 1830 |
Doktrina at mga Tipan 74: Paghahayag na ibinigay kay Joseph Smith, ang Propeta, sa Wayne County, New York. |
26 Mar. 1830 |
Ang mga unang nailimbag na kopya ng Aklat ni Mormon ay mabibili na sa Palmyra, New York. |
6 Abr. 1830 |
Ang Simbahan ni Cristo ay pormal na itinatag sa tahanan nina Peter Sr. at Mary Whitmer sa Fayette, New York. |
Abr. 1830 |
Doktrina at mga Tipan 20: Paghahayag tungkol sa organisasyon at pamahalaan ng Simbahan, na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Fayette, New York o malapit rito. Ang mga bahagi ng paghahayag na ito ay maaaring ibinigay sa pagsisimula ng tag-init ng 1829. |
6 Abr. 1830 |
Doktrina at mga Tipan 21: Paghahayag na ibinigay kay Joseph Smith, ang Propeta, sa Fayette, New York. Ang paghahayag na ito ay ibinigay noong itinatag ang Simbahan sa tahanan nina Peter Sr. at Mary Whitmer. |
16 Abr. 1830 |
Doktrina at mga Tipan 22: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Manchester, New York. |
Abr. 1830 |
Doktrina at mga Tipan 23: Isang serye ng limang paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Manchester, New York, kina Oliver Cowdery, Hyrum Smith, Samuel H. Smith, Joseph Smith Sr., at Joseph Knight Sr. |
Hunyo 1830 |
Isang branch ng Simbahan ang itinatag sa Colesville, New York. |
Hunyo–Hulyo 1830 |
Idinikta ni Joseph Smith ang “Mga Pangitain ni Moises,” na kalaunan ay ginawang kanonisado sa Mahalagang Perlas at bahagi ng mas malaking pagsisikap na gumawa ng inspiradong rebisyon ng Biblia. |
9 Hunyo 1830 |
Ang unang kumperensya ng Simbahan, na ginanap sa Fayette, New York. Ang mga nakibahagi sa kumperensya ay nagkakaisang sinuportahan ang “Articles and Covenants [Mga Artikulo at mga Tipan]” ng Simbahan (D&T 20). |
30 Hunyo 1830 |
Umalis si Samuel Smith bilang isa sa mga unang misyonero ng Simbahan ni Cristo, na naglakbay sa mga komunidad ng Mendon at Lovinia, New York. |
Hulyo 1830 |
Doktrina at mga Tipan 24: Paghahayag na ibinigay kina Joseph Smith, ang Propeta, at Oliver Cowdery, sa Harmony, Pennsylvania. |
Hulyo 1830 |
Doktrina at mga Tipan 25: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Harmony, Pennsylvania. Ipinakita sa paghahayag na ito ang kalooban ng Panginoon para kay Emma Smith, ang asawa ng Propeta. |
Hulyo 1830 |
Doktrina at mga Tipan 26: Paghahayag na ibinigay kina Joseph Smith, ang Propeta, Oliver Cowdery, at John Whitmer, sa Harmony, Pennsylvania. |
Ago. 1830 |
Doktrina at mga Tipan 27: Paghahayag na ibinigay kay Joseph Smith, ang Propeta, sa Harmony, Pennsylvania. |
Set. 1830 |
Doktrina at mga Tipan 28: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, kay Oliver Cowdery, sa Fayette, New York. |
Set. 1830 |
Doktrina at mga Tipan 29: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa harap ng anim na elder, sa Fayette, New York, ilang araw bago ang kumperensyang ginanap doon. |
26 Set. 1830 |
Ang ikalawang kumperensya ng Simbahan ay ginanap sa Fayette, New York. Si Joseph Smith ay hinirang na tumanggap at sumulat ng mga paghahayag para sa Simbahan. |
Set. 1830 |
Doktrina at mga Tipan 30: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, kina David Whitmer, Peter Whitmer Jr., at John Whitmer, sa Fayette, New York, kasunod ng tatlong-araw na kumperensya na ginanap doon. |
Set. 1830 |
Doktrina at mga Tipan 31: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, kay Thomas B. Marsh sa Fayette, New York, kasunod ng kumperensya noong Setyembre 1830. |
Mga unang araw ng Okt. 1830 |
Doktrina at mga Tipan 32: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, kina Parley P. Pratt at Ziba Peterson, sa Manchester, New York. |
Okt. 1830 |
Doktrina at mga Tipan 33: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, kina Ezra Thayer at Northrop Sweet, sa Fayette, New York. |
29 Okt. 1830 |
Dumating sina Oliver Cowdery, Ziba Peterson, Parley P. Pratt, at Peter Whitmer Jr. sa Geauga County, Ohio, patungo sa kanilang misyon sa di-organisadong teritoryo sa kanluran ng Missouri. Nanatili sila sa Ohio nang ilang linggo, kung saan nangaral at nagbinyag sila ng mahigit 100 indibiduwal, kabilang sina Sidney Rigdon at Frederick G. Williams. |
4 Nob. 1830 |
Doktrina at mga Tipan 34: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, kay Orson Pratt, sa Fayette, New York. |
7 Dis. 1830 |
Doktrina at mga Tipan 35: Paghahayag na ibinigay kina Joseph Smith, ang Propeta, at Sidney Rigdon, sa Fayette, New York o malapit dito. |
9 Dis. 1830 |
Doktrina at mga Tipan 36: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, kay Edward Partridge, malapit sa Fayette, New York. |
Dis. 1830 |
Doktrina at mga Tipan 37: Paghahayag na ibinigay kina Joseph Smith, ang Propeta, at Sidney Rigdon, malapit sa Fayette, New York, na nag-uutos sa mga Banal na magtipon sa Ohio. |
1831
2 Ene. 1831 |
Ang ikatlong kumperensya ng Simbahan ay ginanap sa Fayette, New York. Doktrina at mga Tipan 38: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Fayette, New York. Ang kaganapan ay isang kumperensya ng Simbahan. |
5 Ene. 1831 |
Doktrina at mga Tipan 39: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, kay James Covel, sa Fayette, New York. |
6 Ene. 1831 |
Doktrina at mga Tipan 40: Paghahayag na ibinigay kina Joseph Smith, ang Propeta, at Sidney Rigdon, sa Fayette, New York. |
4 Peb. 1831 |
Lumipat sina Joseph at Emma Smith sa Kirtland, Ohio. |
4 Peb. 1831 |
Doktrina at mga Tipan 41: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Simbahan, sa Kirtland, Ohio, na nagtatagubilin ng pagsasaayos doon at pagtawag kay Edward Partridge na maging unang bishop ng Simbahan. |
9 Peb. 1831; 23 Peb. 1831 |
Doktrina at mga Tipan 42: Paghahayag na ibinigay sa dalawang bahagi sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio. |
Peb. 1831 |
Doktrina at mga Tipan 43: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio. |
Mga huling araw ng Peb. 1831 |
Doktrina at mga Tipan 44: Paghahayag na ibinigay kina Joseph Smith, ang Propeta, at Sidney Rigdon, sa Kirtland, Ohio. |
Mar. 1831 |
Bumalik si Parley P. Pratt sa Kirtland, Ohio, mula sa kanyang misyon sa hindi organisadong teritoryo. |
7 Mar. 1831 |
Doktrina at mga Tipan 45: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Simbahan, sa Kirtland, Ohio. |
8 Mar. 1831 |
Doktrina at mga Tipan 46: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Simbahan, sa Kirtland, Ohio. |
8 Mar. 1831 |
Doktrina at mga Tipan 47: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio. |
10 Mar. 1831 |
Doktrina at mga Tipan 48: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio. |
9 Abr. 1831 |
Si John Whitmer ay hinirang na mag-ingat ng talaan at kasaysayan ng Simbahan sa isang espesyal na pulong ng mga elder ng Simbahan, na ginanap sa Kirtland, Ohio. |
Mayo 1831 |
Dumating ang mga Banal mula sa Colesville, New York, branch sa Thompson, Ohio. |
7 Mayo 1831 |
Doktrina at mga Tipan 49: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, kina Sidney Rigdon, Parley P. Pratt, at Leman Copley, sa Kirtland, Ohio. |
9 Mayo 1831 |
Doktrina at mga Tipan 50: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio. |
20 Mayo 1831 |
Doktrina at mga Tipan 51: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Thompson, Ohio. |
3–6 Hunyo 1831 |
Isang kumperensya ng Simbahan ang ginanap sa Kirtland, Ohio, kung saan ginawa ang mga unang ordenasyon sa katungkulan ng mataas na saserdote o high priest. |
6 Hunyo 1831 |
Doktrina at mga Tipan 52: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa mga elder ng Simbahan, sa Kirtland, Ohio. |
8 Hunyo 1831 |
Doktrina at mga Tipan 53: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, kay Algernon Sidney Gilbert, sa Kirtland, Ohio. |
10 Hunyo 1831 |
Doktrina at mga Tipan 54: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, kay Newel Knight, sa Kirtland, Ohio, na nag-uutos sa mga miyembro sa Thompson, Ohio, na lisanin ang bukid ni Leman Copley at maglakbay patungong Missouri. |
14 Hunyo 1831 |
Doktrina at mga Tipan 55: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, kay William W. Phelps, sa Kirtland, Ohio. |
15 Hunyo 1831 |
Doktrina at mga Tipan 56: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio. |
19 Hunyo 1831 |
Naglakbay si Joseph Smith at ang iba pa patungong Independence, Missouri, upang tukuyin ang kinaroroonan ng Sion. Dumating sila noong ika-14 ng Hulyo 1831. |
20 Hulyo 1831 |
Doktrina at mga Tipan 57: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Sion, Jackson County, Missouri. |
1 Ago. 1831 |
Doktrina at mga Tipan 58: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta sa Zion, Jackson County, Missouri. |
3 Ago. 1831 |
Inilaan nina Joseph Smith, Sidney Rigdon, at ng iba pa ang lungsod ng Sion at ang lugar ng templo sa Independence, Jackson County, Missouri. |
4 Ago. 1831 |
Pinanguluhan ni Joseph Smith ang unang kumperensya ng Simbahan sa Missouri, na ginanap sa Kaw Township, Jackson County. |
7 Ago. 1831 |
Doktrina at mga Tipan 59: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Zion, Jackson County, Missouri. |
8 Ago. 1831 |
Doktrina at mga Tipan 60: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Independence, Jackson County, Missouri. |
9 Ago. 1831 |
Umalis si Joseph Smith sa Independence, Missouri. Dumating siya sa Kirtland, Ohio, noong ika-27 ng Ago. 1831. |
12 Ago. 1831 |
Doktrina at mga Tipan 61: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa pampang ng Ilog Missouri sa McIlwaines Bend. |
13 Ago. 1831 |
Doktrina at mga Tipan 62: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa pampang ng Ilog Missouri sa Chariton, Missouri. |
30 Ago. 1831 |
Doktrina at mga Tipan 63: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio. |
11 Set. 1831 |
Doktrina at mga Tipan 64: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa mga elder ng Simbahan, sa Kirtland, Ohio. |
12 Set. 1831 |
Lumipat sina Joseph at Emma Smith sa bukid nina John at Alice (Elsa) Johnson sa Hiram Township, Ohio. |
13 Okt. 1831 |
Inilathala ng Ohio Star ang una sa siyam na liham na bumabatikos sa Simbahan at sa Propeta ng dating Banal sa mga Huling Araw na si Ezra Booth sa Ravenna, Ohio. |
25–26 Okt. 1831 |
Pinanguluhan ni Joseph Smith ang isang kumperensya sa Orange Township, Cuyahoga County, Ohio, kung saan labinlimang elder ang inorden bilang mga high priest. |
29 Okt. 1831 |
Doktrina at mga Tipan 66: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Hiram, Ohio. |
30 Okt. 1831 |
Doktrina at mga Tipan 65: Paghahayag tungkol sa panalanging ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Hiram, Ohio. |
1 Nob. 1831 |
Isang kumperensya na ginanap sa Hiram, Ohio, ang sumang-ayon sa paglalathala ng mga paghahayag na natanggap ni Joseph Smith bilang Book of Commandments [Aklat ng mga Kautusan]. Doktrina at mga Tipan 1: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa kumperensya ng mga elder bilang paunang salita ng Panginoon sa mga paghahayag. |
Mga unang araw ng Nob. 1831 |
Doktrina at mga Tipan 67: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Hiram, Ohio. Ang kaganapan ay ang espesyal na kumperensya hinggil sa paglalathala ng mga paghahayag. |
1 Nob. 1831 |
Doktrina at mga Tipan 68: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Hiram, Ohio, bilang tugon sa panalangin na ipaalam ang isipan ng Panginoon tungkol kina Orson Hyde, Luke S. Johnson, Lyman E. Johnson, at William E. McLellin. |
3 Nob. 1831 |
Doktrina at mga Tipan 133: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Hiram, Ohio. Ang bahaging ito ay unang idinagdag bilang apendiks at kalaunan ay nilagyan ng section number. |
11 Nob. 1831 |
Doktrina at mga Tipan 107: Paghahayag tungkol sa priesthood na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio. Ang paghahayag na ito ay pinagsama sa isang paghahayag na natanggap noong Abril 1835 at ginawang kanonisado bilang section 107. |
11 Nob. 1831 |
Doktrina at mga Tipan 69: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Hiram, Ohio. |
12 Nob. 1831 |
Doktrina at mga Tipan 70: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Hiram, Ohio, na naghirang kina Joseph Smith, Martin Harris, Oliver Cowdery, John Whitmer, Sidney Rigdon, at William W. Phelps bilang mga katiwala sa mga paghahayag na natanggap ni Joseph Smith. |
1 Dis. 1831 |
Doktrina at mga Tipan 71: Paghahayag na ibinigay kina Joseph Smith, ang Propeta, at Sidney Rigdon, sa Hiram, Ohio, na nag-uutos sa kanila na itigil ang rebisyon sa Biblia upang makapangaral sila sa mga lugar sa Ohio at maibsan ang masasamang damdaming nabuo laban sa Simbahan dahil sa mga liham na inilathala ng dating miyembro ng Simbahan na si Ezra Booth. |
4 Dis. 1831 |
Doktrina at mga Tipan 72: Isang pinagsamang tatlong paghahayag ang natanggap sa araw ding iyon sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio: Si Newel K. Whitney ay hinirang na bishop sa Ohio upang pangasiwaan ang temporal na mga gawain ng Simbahan doon; ang mga tungkulin ng isang bishop ay inilahad at ang mga tagubilin ay ibinigay hinggil sa pagtitipon sa Sion. |
1832
5 Ene. 1832 |
Dumating sina Oliver Cowdery at John Whitmer sa Independence, Missouri, dala ang mga manuskrito ng paghahayag na ipalilimbag doon. Dumating si William W. Phelps kalaunan sa buwang iyon dala ang printing press na binili niya sa Cincinnati, Ohio. |
10 Ene. 1832 |
Doktrina at mga Tipan 73: Paghahayag na ibinigay kina Joseph Smith, ang Propeta, at Sidney Rigdon, sa Hiram, Ohio. |
25 Ene. 1832 |
Isang pangkalahatang kumperensya ang ginanap sa Amherst, Ohio. Si Joseph Smith ay sinang-ayunan at inorden bilang pangulo ng high priesthood. Doktrina at mga Tipan 75: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Amherst, Ohio, kaugnay ng kumperensya roon. |
16 Peb. 1832 |
Doktrina at mga Tipan 76: Isang pangitain na ibinigay kina Joseph Smith, ang Propeta, at Sidney Rigdon, sa Hiram, Ohio. |
mga Mar. 1832 |
Doktrina at mga Tipan 77: Paghahayag na ibinigay kay Joseph Smith, ang Propeta, sa Hiram, Ohio. |
1 Mar. 1832 |
Doktrina at mga Tipan 78: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio. |
7 Mar. 1832 |
Doktrina at mga Tipan 80: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, kay Stephen Burnett, sa Hiram, Ohio. |
8 Mar. 1832 |
Sina Jesse Gause at Sidney Rigdon ay pinili bilang mga tagapayo ni Joseph Smith sa panguluhan ng high priesthood sa Hiram Township, Ohio. Ito ay isang hakbang tungo sa pormal na pa-oorganisa ng Unang Panguluhan. |
12 Mar. 1832 |
Doktrina at mga Tipan 79: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Hiram, Ohio. |
15 Mar. 1832 |
Doktrina at mga Tipan 81: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Hiram, Ohio, tungkol sa kanyang mga tagapayo sa panguluhan ng high priesthood. Si Jesse Gause ay orihinal na tinawag bilang isang tagapayo. Gayunpaman, nang siya ay nagpabayang magpatuloy sa paraang naaayon sa pagkakatalagang ito, ang tawag ay nalipat kay Frederick G. Williams. |
24–25 Mar. 1832 |
Sina Joseph Smith at Sidney Rigdon ay binuhusan ng alkitran at balahibo sa hatinggabi sa Hiram Township, Ohio. |
1 Abr. 1832 |
Si Joseph Smith ay naglakbay mula Kirtland, Ohio, patungong Independence, Missouri, at dumating noong ika-24 ng Abril 1832. |
26 Abr. 1832 |
Doktrina at mga Tipan 82: Paghahayag na ibinigay kay Joseph Smith, ang Propeta, sa Independence, Jackson County, Missouri, na nag-uutos sa siyam na kalalakihan—Joseph Smith, Sidney Rigdon, Oliver Cowdery, John Whitmer, Martin Harris, William W. Phelps, Edward Partridge, Newel K. Whitney, at Algernon Sidney Gilbert—na magsama-sama sa tatawaging United Firm. |
30 Abr. 1832 |
Doktrina at mga Tipan 83: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Independence, Missouri, habang ang propeta ay nakikipagsanggunian sa kanyang mga kapatid na kalalakihan. |
6 Mayo 1832 |
Si Joseph Smith ay naglakbay mula sa Independence, Missouri, patungong Kirtland, Ohio, at dumating noong Hunyo 1832. |
29 Ago. 1832 |
Doktrina at mga Tipan 99: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, kay John Murdock sa Hiram, Ohio. |
12 Set. 1832 |
Inilipat nina Joseph at Emma Smith ang kanilang pamilya sa Kirtland, Ohio, mula sa Hiram, Ohio, at nagsimulang manirahan sa itaas na palapag ng tindahan ni Newel K. Whitney. |
22–23 Set. 1832 |
Doktrina at mga Tipan 84: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio. |
Mga unang araw ng Okt. 1832 |
Naglakbay si Joseph Smith kasama si Newel K. Whitney patungong New York City at sa iba pang mga lunsod sa silangang Estados Unidos para bumili ng mga kalakal at mag-proselyte. Bumalik sila noong ika-6 ng Nobyembre 1832. |
27 Nob. 1832 |
Doktrina at mga Tipan 85: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio. Ang bahaging ito ay hango sa isang liham ng Propeta kay William W. Phelps, na naninirahan sa Independence, Missouri. |
6 Dis. 1832 |
Doktrina at mga Tipan 86: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio. |
21 Dis. 1832 |
Nagbanta ang South Carolina na titiwalag sa Estados Unidos bilang protesta sa mga taripang pederal. |
25 Dis. 1832 |
Doktrina at mga Tipan 87: Paghahayag at propesiya tungkol sa digmaan, na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio o malapit dito. |
27 Dis. 1832 |
Kumperensya ng mga high priest na idinaos sa Kirtland, Ohio. |
27–28 Dis. 1832; 3 Ene. 1833 |
Doktrina at mga Tipan 88: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio. Bukod pa sa pagkakaroon ng maraming katotohanan at kautusan, ang paghahayag na ito ay nagtagubilin sa mga Banal na magtayo ng templo sa Kirtland, Ohio, at itatag ang Paaralan ng mga Propeta. |
1833
22–23 Ene. 1833 |
Ang unang pulong ng Paaralan ng mga Propeta na ginanap sa Kirtland, Ohio. |
27 Peb. 1833 |
Doktrina at mga Tipan 89: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio, tungkol sa dietary code na kilala bilang Salita ng Karunungan [Word of Wisdom]. |
8 Mar. 1833 |
Doktrina at mga Tipan 90: Paghahayag kay Joseph Smith, ang Propeta, na ibinigay sa Kirtland, Ohio. Ang paghahayag na ito ay isang pagpapatuloy na hakbang sa pagtatatag ng Unang Panguluhan. |
9 Mar. 1833 |
Doktrina at mga Tipan 91: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio. |
15 Mar. 1833 |
Doktrina at mga Tipan 92: Paghahayag na ibinigay kay Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio. |
6 Mayo 1833 |
Doktrina at mga Tipan 93: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio, tungkol sa katangian ni Cristo at katotohanan. |
1 Hunyo 1833 |
Doktrina at mga Tipan 95: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio, na patuloy na nagtatagubilin na itayo ang bahay ng Panginoon at pagkastigo sa mga Banal dahil hindi nila nasimulan ang pagtatayo nito. |
4 Hunyo 1833 |
Doktrina at mga Tipan 96: Paghahayag na ibinigay kay Joseph Smith, ang Propeta, na nagpapakita ng kaayusan ng lunsod o stake ng Sion sa Kirtland, Ohio. |
6 Hunyo 1833 |
Sinimulan ng mga Banal sa mga Huling Araw ang pagtatayo ng Kirtland Temple. |
2 Hulyo 1833 |
Tinapos ni Joseph Smith ang rebisyon sa Biblia sa Kirtland, Ohio. |
20 Hulyo 1833 |
Ang mga vigilante, na iginigiit na alisin ang mga Banal sa mga Huling Araw mula sa Jackson County, Missouri, ay sinira ang palimbagan sa Independence at ikinalat sa kalye ang mga pahina ng hindi natapos na Book of Commandments [Aklat ng mga Kautusan]. May mga ilang dosenang kopya na naisalba. Sina Bishop Edward Partridge at Charles Allen ay binuhusan ng alkitran at mga balahibo. |
23 Hulyo 1833 |
Dahil sa mga pagbabanta sa kanila, pumayag ang mga Banal sa mga Huling Araw sa Jackson County, Missouri, na umalis sa county. |
23 Hulyo 1833 |
Nakibahagi si Joseph Smith sa paglalagay ng mga batong panulok ng Kirtland Temple. |
2 Ago. 1833 |
Doktrina at mga Tipan 97: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio, na tumatalakay lalo na sa mga gawain ng mga Banal sa Sion, Jackson County, Missouri. |
2 Ago. 1833 |
Doktrina at mga Tipan 94: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio. |
6 Ago. 1833 |
Doktrina at mga Tipan 98: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio, bunga ng pag-uusig sa mga Banal sa Missouri. |
9 Ago. 1833 |
Dumating si Oliver Cowdery sa Kirtland, Ohio, na may buong ulat tungkol sa mga pag-atake sa Missouri. |
Mga huling araw ng Set. 1833 |
Ang mga Banal sa mga Huling Araw sa Jackson County, Missouri, ay nagpetisyon sa gobernador ng Missouri na si Daniel Dunklin na solusyunan ang kanilang mga hinaing. Noong ika-19 ng Oktubre ay ipinayo ni Dunklin na lutasin ang mga bagay-bagay sa pamamagitan ng korte. |
5 Okt. 1833 |
Umalis si Joseph Smith sa Kirtland, Ohio, para sa proselytizing mission sa Mount Pleasant, Upper Canada. Bumalik siya noong ika-4 ng Nobyembre 1833. |
12 Okt. 1833 |
Doktrina at mga Tipan 100: Paghahayag na ibinigay kina Joseph Smith, ang Propeta, at Sidney Rigdon, sa Perrysburg, New York. |
31 Okt. 1833 |
Sinalakay ng mga vigilante ang mga Banal sa mga Huling Araw sa maraming lugar sa Jackson County, Missouri. Isang Banal sa mga Huling Araw at dalawang kalaban ang napatay. Ang county militia ay ipinatawag at nagtipon laban sa mga Banal. Noong ika-8 ng Nobyembre, ang mga Banal ay tumakas mula sa Jackson County; marami sa kanila ang lumipat sa Clay County, Missouri. |
16–17 Dis. 1833 |
Doktrina at mga Tipan 101: Paghahayag na ibinigay kay Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio. |
1834
17 Peb. 1834 |
Doktrina at mga Tipan 102: Katitikan ng pagkakatatag ng mataas na kapulungan [high council] ng Simbahan, sa Kirtland, Ohio. Ang orihinal na mga katitikan, na itinala nina Oliver Cowdery at Orson Hyde, ay binago ng Propeta kinabukasan at nagkakaisang tinanggap ng high council. |
24 Peb. 1834 |
Doktrina at mga Tipan 103: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio, na nagtatagubilin sa isang organisadong ekspedisyon (na kalaunan ay nakilala bilang “Kampo ng Sion” o “Kampo ng Israel”) na ibsan ang paghihirap ng mga Banal na pinalayas mula sa Jackson County, Missouri, at ibalik sila sa kanilang mga lupain. |
23 Abr. 1834 |
Doktrina at mga Tipan 104: Paghahayag na ibinigay kay Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio, o malapit dito, hinggil sa muling pag-oorganisa ng Nagkakaisang Orden o United Firm. Maaaring idinikta ito sa isang pulong ng konseho ng mga miyembro ng United Firm. |
5 Mayo 1834 |
Sa pangunguna ni Joseph Smith, ang Kampo ng Israel (“Kampo ng Sion”) ay lumisan sa Kirtland, Ohio, na may misyong ibalik ang mga Banal sa Jackson County, Missouri, sa kanilang mga lupain. |
15 Hunyo 1834 |
Iniulat nina Parley P. Pratt at Orson Hyde kay Joseph Smith na tumanggi ang gobernador ng Missouri na si Daniel Dunklin na tawagin ang militia ng estado para ihatid ang mga Banal pabalik sa kanilang mga lupain sa Jackson County. |
19 Hunyo 1834 |
Dumating ang Kampo ng Israel sa Ilog Fishing sa Clay County, kung saan nagtipon ang isang pangkat ng mga mandurumog upang salakayin sila. Inabandona ng mga mandurumog ang kanilang plano dahil sa matinding pagbuhos ng ulan. |
22 Hunyo 1834 |
Doktrina at mga Tipan 105: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Ilog Fishing, Missouri, tungkol sa pagtubos sa Sion at sa pagtugon sa karahasan sa Missouri. |
16 Ago. 1834 |
Hinikayat ni Joseph Smith ang high council sa Missouri na maghain ng petisyon sa gobernador ng Missouri na si Daniel Dunklin na humihiling ng proteksyonng pederal para sa mga Banal sa Jackson County. |
24 Set. 1834 |
Hinirang ng high council ng Kirtland sina Joseph Smith, Oliver Cowdery, Sidney Rigdon, at Frederick G. Williams bilang komite upang ayusin at ilathala ang mga paghahayag. |
25 Nob. 1834 |
Doktrina at mga Tipan 106: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio, para kay Warren A. Cowdery, na nakatatandang kapatid ni Oliver Cowdery. |
1835
14 Peb. 1835 |
Pinili nina Joseph Smith, Oliver Cowdery, David Whitmer, at Martin Harris ang Labindalawang Apostol sa Kirtland, Ohio. |
28 Peb.–1 Mar. 1835 |
Ang mga miyembro ng Kampo ng Israel ay pinili bilang mga miyembro ng Pitumpu. |
mga Abr. 1835 |
Doktrina at mga Tipan 107: Paghahayag tungkol sa priesthood, na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio, noong mga Abril 1835. Kasama sa talata 60–100 ang paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith noong ika-11 ng Nobyembre 1831. |
4 Mayo 1835 |
Umalis ang Labindalawang Apostol sa Kirtland, Ohio, patungong silangang Estados Unidos at Upper Canada para pangasiwaan ang malalayong branch ng Simbahan. |
Hulyo 1835 |
Sa tulong ng iba, binili ni Joseph Smith ang mga Egyptian mummy at papyri mula kay Michael Chandler sa Kirtland, Ohio. |
17 Ago. 1835 |
Sinang-ayunan ng isang pangkalahatang pagtitipon ng Simbahan sa Kirtland, Ohio, ang paglalathala ng unang edisyon ng Doktrina at mga Tipan. Doktrina at mga Tipan 134: Isang pahayag ng paniniwala hinggil sa mga pamahalaan at mga batas sa pangkalahatan, pinagtibay sa pamamagitan ng nagkakaisang pagboto sa isang pangkalahatang pagtitipon ng Simbahan na ginanap sa Kirtland, Ohio. |
Set. 1835 |
Inilathala ng Simbahan ang Doktrina at mga Tipan sa Kirtland, Ohio. Ang mga pagsisikap na ilathala ang mga paghahayag ay natigil dahil sa karahasan ng mga mandurumog noong 1833 sa Missouri. |
Taglagas 1835 |
Paminsan-minsang ginagawa ni Joseph Smith ang pagsasalin ng Aklat ni Abraham mula sa nabiling Egyptian papyri noong Hulyo 1835. |
12 Nob. 1835 |
Itinuro ni Joseph Smith sa mga apostol ang tungkol sa ordenansa ng paghuhugas ng mga paa at sa nalalapit na endowment, sa Kirtland, Ohio. |
26 Dis. 1835 |
Doktrina at mga Tipan 108: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Kirtland, Ohio. Ang bahagi o section na ito ay natanggap sa kahilingan ni Lyman Sherman. |
1836
13 Ene. 1836 |
Pinanguluhan ni Joseph Smith ang isang pulong ng mga lider sa Kirtland, Ohio, kung saan ang konseho ng bishop sa Kirtland at ang mga high council sa Kirtland at Missouri ay ganap na naorganisa. |
21 Ene. 1836 |
Doktrina at mga Tipan 137: Isang pangitain na ibinigay kay Joseph Smith, ang Propeta, sa templo sa Kirtland, Ohio. Ang kaganapan ay ang pangangasiwa ng mga ordenansa bilang paghahanda sa paglalaan ng templo. |
Mga unang buwan ng 1836 |
Inilathala ng Simbahan ang A Collection of Sacred Hymns for the Church of the Latter Day Saints. Ang mga himno ay pinili ni Emma Hale Smith at inihanda ni W. W. Phelps sa palimbagan ng Simbahan sa Kirtland, Ohio. Bagama’t ang petsa ng pagkakalathala rito ay 1835, malinaw na hindi pa ito nagamit hanggang sa simula ng 1836. |
27 Mar. 1836 |
Inilaan ang Kirtland Temple. Doktrina at mga Tipan 109: Panalanging inialay sa paglalaan ng templo sa Kirtland, Ohio. Ayon sa isinulat na pahayag ng Propeta, ang panalanging ito ay ibinigay sa kanya sa pamamagitan ng paghahayag. |
3 Abr. 1836 |
Doktrina at mga Tipan 110: Mga pangitaing ipinakita kay Joseph Smith, ang Propeta, at kay Oliver Cowdery sa templo sa Kirtland, Ohio, pati na ang pagpapakita ni Jesucristo, na tinanggap ang templo, at sina Moises, Elias, at Elijah, na bawat isa ay naggawad ng mga susi ng priesthood. |
1 Hulyo 1836 |
Pumayag ang mga lider ng Simbahan sa Missouri sa mga kahilingan ng mga mamamayan na lisanin ng mga Banal ang Clay County, Missouri. |
25 Hulyo 1836 |
Naglakbay si Joseph Smith at ang iba pa para mangaral, makipagkalakalan sa Lunsod ng New York, at siyasatin ang ulat na malaking halaga ng pera ang makukuha ng Simbahan sa Salem, Massachusetts. Bumalik sila sa kalagitnaan ng Setyembre 1836. |
6 Ago. 1836 |
Doktrina at mga Tipan 111: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Salem, Massachusetts, hinggil sa mga utang ng mga lider ng Simbahan at sa paglalakbay patungong New England ni Joseph Smith at ng iba pa sa pagtatangkang makalikom ng pera upang mabayaran ang utang na iyon. |
2 Nob. 1836 |
Pinagtibay ng mga stockholder ng Kirtland Safety Society Bank ang konstitusyon nito. Si Joseph Smith ay nahalal bilang “cashier.” Sinimulan nang patakbuhin ng kumpanya ang negosyo, at nagsimulang mag-isyu ng mga bank notes noong Enero 1837. Ang petisyon para sa isang bank charter ay tinanggihan ng senado ng Ohio noong ika-10 ng Pebrero 1837. |
29 Dis. 1836 |
Nilagdaan ng gobernador ng Missouri na si Lilburn W. Boggs ang panukalang batas na magbibigay sa mga Banal sa mga Huling Araw ng panirahanan sa Caldwell County. |
1837
Mayo 1837 |
Ang problema sa ekonomiya ay nagdulot ng takot sa Estados Unidos nang malugi ang mga bangko at nagkaroon ng recession. |
Mayo 1837 |
Inudyukan ni Warren Parrish ang iba, kabilang na ang ilang miyembro ng Korum ng Labindalawa, na magsalita laban kay Joseph Smith. |
28 Mayo 1837 |
Nagsalita si Joseph Smith sa mga miyembro ng Simbahan sa isang pulong noong Linggo sa Kirtland Temple, at ipinagtanggol ang kanyang sarili laban sa kanyang mga kritiko. |
11–13 Hunyo 1837 |
Itinalaga ni Joseph Smith sina apostol Heber C. Kimball at Orson Hyde at ang priest na si Joseph Fielding bilang mga misyonero sa England. Pagkaraan ng dalawang araw ay umalis sila sa Kirtland, Ohio, kasama si Willard Richards. |
pagsapit ng ika-7 ng Hulyo 1837 |
Sina Joseph Smith at Sidney Rigdon ay nagbitiw bilang mga opisyal ng Kirtland Safety Society. Ibinenta na ni Joseph ang kanyang stock sa kumpanya mga isang buwan na ang nakararaan. |
23 Hulyo 1837 |
Doktrina at mga Tipan 112: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, kay Thomas B. Marsh, sa Kirtland, Ohio, hinggil sa mga tungkulin ng Labindalawang Apostol, ng Unang Panguluhan, gawaing misyonero, at mga susi ng priesthood. |
27 Set. 1837 |
Naglakbay si Joseph Smith patungo sa hilagang-kanlurang bahagi ng Missouri para isaayos ang Simbahan doon at tukuyin ang mga lugar na matitirhan ng mga Banal. Bumalik siya sa Kirtland, Ohio, noong mga unang araw ng Disyembre 1837. |
1838
15 Ene. 1838 |
Ang opisina ng palimbagan ng Simbahan sa Kirtland, Ohio, ay sinunog ng isang arsonista. |
14 Mar. 1838 |
Dumating sina Joseph at Emma Smith at ang kanilang pamilya sa Far West, Caldwell County, Missouri, mula sa Kirtland, Ohio. |
Mar. 1838 |
Doktrina at mga Tipan 113: Mga sagot sa ilang katanungan tungkol sa mga isinulat ni Isaias, na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Far West, Missouri, o malapit dito. |
11 Abr. 1838 |
Doktrina at mga Tipan 114: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Far West, Missouri. |
26 Abr. 1838 |
Doktrina at mga Tipan 115: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Far West, Missouri, na ipinapaalam ang kalooban ng Diyos hinggil sa pagtatatag ng lugar na iyon at ng bahay ng Panginoon at pagtatatag ng pangalan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. |
18 Mayo 1838 |
Naglakbay si Joseph Smith mula Far West, Missouri, sa Daviess County, Missouri, para pumili ng mga bagong lugar na paninirahanan ng mga Banal. |
19 Mayo 1838 |
Doktrina at mga Tipan 116: Paghahayag na ibinigay kay Joseph Smith, ang Propeta, malapit sa Wight’s Ferry, sa lugar na tinatawag na Spring Hill, Daviess County, Missouri, na tumutukoy sa lokasyon ng Adam-ondi-Ahman. |
6 Hulyo 1838 |
Mga 500 Banal ang umalis mula sa Kirtland, Ohio, at lumipat sa Missouri. Dumating sila sa Far West, Missouri, noong ika-2 ng Oktubre 1838. |
8 Hulyo 1838 |
Doktrina at mga Tipan 117: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Far West, Missouri, hinggil sa pangunahing mga tungkulin nina William Marks, Newel K. Whitney, at Oliver Granger. |
8 Hulyo 1838 |
Doktrina at mga Tipan 118: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Far West, Missouri, bilang kasagutan sa kanyang pagsamo tungkol sa Korum ng Labindalawa. |
8 Hulyo 1838 |
Doktrina at mga Tipan 119: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Far West, Missouri, bilang sagot sa kanyang pagsamo tungkol sa ikapu. |
8 Hulyo 1838 |
Doktrina at mga Tipan 120: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Far West, Missouri, na ipinapaalam ang pamamahagi ng mga ari-ariang ibinigay bilang ikapu ayon sa tagubilin sa bahagi 119. |
mga 9 Okt. 1838 |
Tumanggi ang gobernador ng Missouri na si Lilburn W. Boggs na makialam sa tumitinding pagkapoot sa mga Banal sa hilagang-kanlurang Missouri. |
25 Okt. 1838 |
Matapos ang panahon ng lumalalang tensiyon sa hilagang-kanlurang Missouri, isang militia ng Ray County at tatlong Banal sa mga Huling Araw, kabilang na ang apostol na si David W. Patten, ang napatay sa isang labanan malapit sa Log Creek, Missouri, na nakilala bilang “Battle of Crooked River.” |
27 Okt. 1838 |
Naglabas ng kautusan ang gobernador ng Missouri na si Lilburn W. Boggs na nagpapahintulot sa pagpapaalis sa mga Banal sa mga Huling Araw mula sa estado o sa pagpuksa sa kanila. |
30 Okt 1838 |
Sinalakay ng mga vigilante ang isang liblib na komunidad ng mga Banal sa mga Huling Araw sa Hawn’s Mill, Caldwell County, Missouri, na ikinasawi ng labingpitong katao at ikinasugat ng labing-apat na katao. |
31 Okt 1838 |
Ang pagdaraos ng kumperensya para sa kapayapaan ay idinahilan lamang para madala ng mga tropa ng militia ng Missouri si Joseph Smith at ang iba pang mga bilanggo sa labas ng Far West, Missouri. Una silang ikinulong sa Independence, pagkatapos ay sa Richmond, Missouri. |
1 Dis. 1838 |
Sina Joseph at Hyrum Smith, Sidney Rigdon, Lyman Wight, Caleb Baldwin, at Alexander McRae ay inilipat sa Liberty Jail, Clay County, Missouri mula sa Richmond. |
1839
Peb. 1839 |
Nagsimulang lumikas ang maraming Banal sa mga Huling Araw mula sa Missouri. Karamihan sa mga Banal na ito ay lumipat sa Illinois. |
20 Mar. 1839 |
Doktrina at mga Tipan 121: Panalangin at mga propesiya na isinulat ni Joseph Smith, ang Propeta, sa isang liham sa Simbahan habang siya ay nakabilanggo sa piitan sa Liberty, Missouri. |
mga 22 Mar. 1839 |
Doktrina at mga Tipan 122: Ang salita ng Panginoon kay Joseph Smith, ang Propeta, habang nakabilanggo sa piitan sa Liberty, Missouri. Ang bahaging ito ay karugtong ng sulat noong ika-20 ng Marso. |
mga 22 Mar. 1839 |
Doktrina at mga Tipan 123: Ang tungkulin ng mga Banal na nauugnay sa mga umuusig sa kanila, ayon sa isinulat ni Joseph Smith, ang Propeta, habang nakabilanggo sa piitan sa Liberty, Missouri. Ang bahaging ito ay karugtong ng sulat noong ika-20 ng Marso. |
6–8 Abr. 1839 |
Si Joseph Smith ay inilipat sa Gallatin, Missouri, mula sa Liberty Jail, para sa paglilitis ng mga lupong tagahatol tungkol sa mga krimen na diumano’y ginawa sa Daviess County. |
16 Abr. 1839 |
Si Joseph Smith at ang mga kasama niya ay pinayagang makatakas sa Chariton County, Missouri, habang inililipat sa Columbia County, Missouri, para sa paglilitis. |
22 Abr. 1839 |
Nakasamang muli ni Joseph Smith si Emma Smith at ang kanilang mga anak, na naninirahan sa tahanan nina John at Sarah Cleveland sa Quincy, Illinois. Noong Mayo 1839, lumipat ang pamilya Smith sa isang bahay na gawa sa troso sa Commerce (na kalaunan ay kilala bilang Nauvoo), Illinois. |
26 Abr. 1839 |
Nagtipon ang mga miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol sa lote ng templo sa Far West para simulan ang kanilang misyon sa ibang bansa mula sa lugar na iyon bilang pagsunod sa kautusan sa Doktrina at mga Tipan 118:5. Ang pulong ay idinaos nang palihim dahil sa pag-uusig sa lugar. |
30 Abr. 1839 |
Nagsimulang bumili ng lupa ang mga kinatawan ng Simbahan para sa mga Banal sa Commerce (kalaunan ay naging Nauvoo), Illinois. Ang mga karagdagang lote ay binili sa Illinois at Iowa kalaunan sa tag-init. |
22–23 Hulyo 1839 |
Sa panahon ng epidemya ng malaria sa Illinois, binasbasan ni Joseph Smith ang mga maysakit na Banal sa mga Huling Araw sa Commerce (kalaunan ay naging Nauvoo), Illinois. |
8 Ago. 1839 |
Sina John Taylor at Wilford Woodruff ay umalis sa Illinois patungong British Isles, na nagpasimula sa pagpo-proselyte ng Korum ng Labindalawa sa ibayong-dagat. Sumunod sina Brigham Young at Heber C. Kimball noong Setyembre 1839. |
29 Nob. 1839 |
Nakausap nina Joseph Smith at Elias Higbee ang pangulo ng Estados Unidos na si Martin Van Buren, na walang pormalidad na tinanggihan ang kanilang petisyon na ituwid ang mga di-makatwirang ginagawa sa Missouri. |
1840
23 Mar. 1840 |
Ibinasura ng Senado ng Estados Unidos ang petisyon ng Simbahan na magbayad-pinsala para sa mga karahasang dinanas sa Missouri. |
21 Abr. 1840 |
Opisyal na binago ng postmaster general ng Estados Unidos ang pangalan ng Commerce, Illinois, post office at ginawang Nauvoo, Illinois. |
Mayo 1840 |
Sinimulan ng mga apostol na namumuno sa British Mission ang paglalathala ng Millennial Star sa England. Ito ang pinakamatagal na publikasyon sa kasaysayan ng Simbahan: ang huling isyu ay inilathala noong 1970. |
mga 19 Hulyo 1840 |
Nagbigay ng mensahe si Joseph Smith na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagtatayo ng Nauvoo Temple. Ipinaalam niya ang mga pormal na pagpaplano para sa templo noong mga unang araw ng Setyembre 1840. |
15 Ago. 1840 |
Habang nagbibigay ng mensahe para sa libing ni Seymour Brunson sa Nauvoo, Illinois, ipinabatid ni Joseph Smith ang doktrina ng pagbibinyag ng mga patay sa pamamagitan ng proxy. |
4 Okt 1840 |
Sa isang pangkalahatang kumperensya na ginanap sa Nauvoo, Illinois, nagbigay si Joseph Smith ng mensahe tungkol sa binyag para sa mga patay at pagkatapos ay bininyagan ang mga 100 katao para sa layuning iyon sa Mississippi River. |
16 Dis. 1840 |
Nilagdaan ng gobernador ng Illinois na si Thomas Carlin ang isang batas na nagsasama sa lunsod ng Nauvoo at nagpapahintulot sa paglikha ng Nauvoo Legion at isang unibersidad sa Nauvoo. |
1841
19 Ene. 1841 |
Doktrina at mga Tipan 124: Paghahayag na ibinigay kay Joseph Smith, ang Propeta, sa Nauvoo, Illinois, na nagtatalaga sa Nauvoo bilang “batong panulok ng Sion” at namamahala sa pagtatayo ng templo at ng Nauvoo House. |
1 Peb. 1841 |
Ang unang pangkalahatang halalan sa ilalim ng bagong charter ng lunsod ay ginanap sa Nauvoo, Illinois. Ang konseho ng lunsod ay inorganisa kalaunan sa linggong iyon. |
1 Marso 1841 |
Ang Nauvoo City Council ay nagpasa ng isang ordenansa na ang lahat ng “mga sekta ng relihiyon at denominasyon kung ano man, ay magkakaroon ng kalayaang sumamba at pantay-pantay na mga pribilehiyo.” |
Mar. 1841 |
Doktrina at mga Tipan 125: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Nauvoo, Illinois, hinggil sa pagtitipon ng mga Banal sa Teritoryo ng Iowa. |
5 Hunyo 1841 |
Si Joseph Smith ay inaresto sa Bear Creek, Illinois, batay sa kahilingan na ekstradisyon mula sa dating gobernador ng Missouri na si Lilburn W. Boggs. Isang korte sa Monmouth, Illinois, ang nagdesisyon noong ika-10 ng Hunyo na walang bisa ang warrant. |
9 Hulyo 1841 |
Doktrina at mga Tipan 126: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Nauvoo, Illinois, na nagpapayo kay Brigham Young na hindi na niya kailangang maglakbay nang matagal at malayo at pinayuhan siya na manatili sa kanyang pamilya. |
24 Okt 1841 |
Inilaan ni Orson Hyde ang Palestine para sa pagbabalik ng “nakakalat na labi ng Juda.” |
8 Nob. 1841 |
Inilaan ang isang bautismuhan na yari sa kahoy sa silong ng Nauvoo Temple. Dumalo si Joseph Smith sa paglalaan. |
1842
1 Marso 1842 |
Ang salaysay ni Joseph Smith tungkol sa kasaysayan ng Simbahan at buod ng mga pangunahing paniniwala—na ipinadala noon sa patnugot ng pahayagang Chicago na si John Wentworth—ay inilathala sa Nauvoo Times and Seasons. Ito ang pinagmulan ng Mga Saligan ng Pananampalataya. |
17 Mar. 1842 |
Nakibahagi si Joseph Smith sa organisasyon ng Female Relief Society of Nauvoo, na si Emma Smith ang unang pangulo nito. |
4 Mayo 1842 |
Si Joseph Smith ay nagbigay ng mga sagradong seremonya at tagubilin na tinatawag na “endowment” kina Hyrum Smith, Brigham Young, at iba pa sa silid sa itaas ng kanyang tindahan sa Nauvoo, Illinois. |
6 Mayo 1842 |
Ang dating gobernador ng Missouri na si Lilburn W. Boggs ay binaril at malubhang nasugatan sa kanyang bahay sa Independence, Jackson County, Missouri. |
22 Hulyo 1842 |
Hiniling ng gobernador ng Missouri na si Thomas Reynolds ang ekstradiksyon nina Joseph Smith at Orrin Porter Rockwell matapos silang akusahan sa pagbaril kay Lilburn W. Boggs. |
1 Set. 1842 |
Doktrina at mga Tipan 127: Isang liham mula kay Joseph Smith, ang Propeta, sa mga Banal sa mga Huling Araw sa Nauvoo, Illinois, na naglalaman ng mga tagubilin tungkol sa binyag para sa mga patay. |
6 Set. 1842 |
Doktrina at mga Tipan 128: Isang liham mula kay Joseph Smith, ang Propeta, sa Simbahan, na naglalaman ng iba pang mga tagubilin tungkol sa binyag para sa mga patay. |
1843
6 Ene. 1843 |
Si Joseph Smith ay pinakawalan mula sa pagkakaaresto bunga ng akusasyon sa pagbaril kay Lilburn W. Boggs. |
9 Peb. 1843 |
Doktrina at mga Tipan 129: Mga tagubiling ibinigay ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Nauvoo, Illinois, na ipinababatid ang tatlong dakilang susi kung paano maaaring ang tunay na pagkatao ng mga naglilingkod na anghel at espiritu ay maaaring makilala ang pagkakaiba. |
2 Abr. 1843 |
Doktrina at mga Tipan 130: Mga tagubilin na ibinigay ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Ramus, Illinois. |
16–17 Mayo 1843 |
Doktrina at mga Tipan 131: Mga tagubilin ni Joseph Smith, ang Propeta, na ibinigay sa Ramus, Illinois. |
12 Hulyo 1843 |
Doktrina at mga Tipan 132: Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Nauvoo, Illinois, na nauukol sa bago at walang hanggang tipan, kabilang ang kawalang-hanggan ng tipan ng kasal at ang alituntunin ng maramihang pag-aasawa. Bagama’t naitala ang paghahayag noong 1843, ipinahihiwatig ng katibayan na ang ilan sa mga alituntuning nakapaloob sa paghahayag na ito ay nalaman na ng Propeta noon pang mga unang buwan ng 1831. |
1844
11 Mar. 1844 |
Pinanguluhan ni Joseph Smith ang isang pulong na nag-oorganisa sa Konseho ng Limampu, isang grupo ng Simbahan na nilayon na itatag ang kaharian ng Diyos sa lupa upang “pamahalaan ang mga tao sa mga bagay na sibil.” |
7 Abr. 1844 |
Sa isang kumperensya ng simbahan sa Nauvoo, Illinois, nagbigay si Joseph Smith ng isang sermon para sa libing ni King Follett, na ipinapaliwanag ang mga bagong doktrina tungkol sa premortal na buhay at ang likas na katangian ng Diyos. |
7 Hunyo 1844 |
Ang unang isyu ng Nauvoo Expositor ay inilathala, na humihimok na ipawalang-bisa ang Nauvoo charter at gumagawa ng iba pang mga mali at mapang-udyok na mga paratang laban kay Joseph Smith at sa mga Banal. |
10 Hunyo 1844 |
Sa pangunguna ni Joseph Smith, idineklara ng Nauvoo City Council ang Nauvoo Expositor na salungat sa mga karapatan ng tao at iniutos na wasakin ang palimbagan nito. |
12 Hunyo 1844 |
Si Joseph Smith ay inaresto dahil sa pagkawasak ng palimbagan ng Nauvoo Expositor at pagkatapos ay pinakawalan ng Nauvoo Municipal Court. Siya ay inaresto at pinalayang muli noong ika-17 ng Hunyo. |
24 Hunyo 1844 |
Umalis si Joseph Smith sa Nauvoo para harapin ang mga kaso sa Carthage, Illinois, para sa pagkawasak ng Nauvoo Expositor. Sinamahan siya ni Hyrum Smith at ng iba pa. Sila ay dinakip at ikinulong sa piitan ng Carthage. |
27 Hunyo 1844 |
Sina Joseph at Hyrum Smith ay napatay ng armadong grupo habang nakakulong sa piitan ng Carthage, Illinois. Si John Taylor ay malubhang nasugatan. |
mga Hulyo 1844 |
Doktrina at mga Tipan 135: Ibinalita ang pagkamatay bilang martir ni Joseph Smith, ang Propeta, at ng kanyang kapatid na si Hyrum Smith, ang Patriarch, sa Carthage, Illinois, noong ika-27 ng Hunyo 1844. Ang dokumentong ito ay isinama sa pagtatapos ng edisyong 1844 ng Doktrina at mga Tipan, na halos handa nang ilathala nang paslangin sina Joseph at Hyrum Smith. |
8 Ago. 1844 |
Matapos marinig sina Sidney Rigdon at Brigham Young, isang pagtitipon ng mga Banal ang bumoto upang suportahan ang Korum ng Labindalawang Apostol na mamuno sa Simbahan. |
1845
29 Ene. 1845 |
Ang Nauvoo charter ay pinawalang-bisa ng lehislatura ng Illinois. Ang paulit-ulit na pagtatangka sa mga sumunod na buwan na makakuha ng kapalit na charter ay nabigo. |
1 Mar. 1845 |
Sa pag-igting ng oposisyon sa Nauvoo, Illinois, nagpadala ang Konseho ng Limampu ng delegasyon sa kanluran kasama si Lewis Dana upang maghanap ng bagong tahanan para sa mga Banal. Umalis ang ekspedisyon noong ika-23 ng Abril 1845. |
28 Mar. 1845 |
Pinangunahan ni Lyman Wight ang isang grupo mula sa Teritoryo ng Wisconsin, upang siyasatin ang panirahanan sa Texas. |
30 Mayo 1845 |
Ang limang lalaking nilitis para sa pagpatay kay Joseph Smith ay napatunayang hindi nagkasala ayon sa lupon ng mga tagahatol sa Hancock County Circuit Court sa Carthage, Illinois. |
28 Ago. 1845 |
Si Brigham Young at ang iba pang mga lider ng Simbahan sa Nauvoo, Illinois, ay nagsimulang magplano para sa isang ekspedisyon patungong upper California noong tagsibol ng 1846. |
1 Set. 1845 |
Sina Daniel Spencer at Charles Shumway ay bumalik sa Nauvoo, Illinois, mula sa kanilang misyon sa “Indian territory” matapos makipag-usap kay Lewis Dana. |
9 Set. 1845 |
Bumoto ang Konseho ng Limampu na mag-organisa ng mga pangkat na lilisan sa Nauvoo, Illinois, patungong Kanluran sa tagsibol ng 1846. |
20 Set. 1845 |
Ang gobernador ng Illinois, si Thomas Ford, ay inutusan ang militia ng estado na ibalik ang kapayapaan sa Hancock County, Illinois. |
24 Set. 1845 |
Inilathala nina Brigham Young at Willard Richards ang isang pahayag na naglalahad ng intensyon ng mga Banal na umalis sa Illinois para manumbalik ang kapayapaan at tumanggap ng tulong ang mga Banal sa mga Huling Araw sa pagbebenta ng kanilang ari-arian. Isang kombensyon ng mga delegado na kalaban ng mga Banal mula sa mga karatig na county ang nagpulong sa Carthage, Illinois, noong ika-1–2 ng Oktubre at tinanggap ang alok. |
5 Okt 1845 |
Nagtipon ang mga Banal sa silid ng pagtitipon sa unang palapag ng Nauvoo temple at inilaan ng bahaging iyon ng istraktura bilang paghahanda sa pangkalahatang kumperensya ng Simbahan. |
6 Okt 1845 |
Sinang-ayunan ng pangkalahatang kumperensya ng Simbahan ang desisyong lumipat sa kanluran sa sumunod na tagsibol. Nakipagtipan ang mga miyembro na walang maiiwan na sinumang nagnanais na lumipat sa kanluran. |
30 Nob. 1845 |
Inilaan ng mga lider ng Simbahan ang kuwentong attic ng Nauvoo Temple. |
10 Dis. 1845 |
Sinimulan ng Simbahan na isagawa ang endowment sa Nauvoo Temple. Noong mga unang buwan ng 1846, nagsimulang ibuklod ng mga apostol ang mga mag-asawa para sa panahong ito at sa kawalang-hanggan. |
18 Dis. 1845 |
Si Brigham Young at iba pang mga lider ay pinaratangan ng pamemeke. |
1846–1847
4 Peb. 1846 |
Ang unang pangkat ng mga Banal na umalis sa Nauvoo ay tumawid sa Mississippi River patungong Teritoryo ng Iowa. |
8 Peb. 1846 |
Tumigil ang mga lider ng Simbahan sa pagsasagawa ng mga ordenansa sa Nauvoo Temple matapos itong gawin nang halos tuluy-tuloy sa loob ng ilang araw. Lumuhod sila nang palibot sa altar at isinamo sa Diyos na basbasan ang mga magsisitungo sa kanluran. |
15 Peb. 1846 |
Tinawid ni Brigham Young ang Ilog Mississippi patungong Teritoryo ng Iowa. |
Ene. 1847 |
Doktrina at mga Tipan 136: Ang salita at kalooban ng Panginoon, na ibinigay sa pamamagitan ni Brigham Young sa Winter Quarters, sa kanlurang pampang ng Ilog Missouri, malapit sa Council Bluffs, Iowa. |
24 Hulyo 1847 |
Nakarating na si Brigham Young at ang mga naunang pangkat ng mga Banal sa Lambak ng Salt Lake. |
27 Dis. 1847 |
Si Brigham Young ay sinang-ayunan bilang pangalawang pangulo ng Simbahan sa isang kumperensya sa Kanesville, Iowa. Sina Heber C. Kimball at Willard Richards ay sinang-ayunan bilang mga tagapayo sa Unang Panguluhan. |
1877–1898
6 Abr. 1877 |
Ang St. George Temple ay inilaan ni Daniel H. Wells, isang tagapayo sa Unang Panguluhan. |
10 Okt 1880 |
Si John Taylor ay sinang-ayunan bilang pangatlong pangulo ng Simbahan sa pangkalahatang kumperensya. Sina George Q. Cannon at Joseph F. Smith ay sinang-ayunan bilang mga tagapayo sa Unang Panguluhan. |
17 Mayo 1884 |
Ang Logan Utah Temple ay inilaan ni John Taylor. |
17 Mayo 1888 |
Ang Manti Utah Temple ay inilaan ni Lorenzo Snow. |
7 Abr. 1889 |
Si Wilford Woodruff ay sinang-ayunan bilang pang-apat na pangulo ng Simbahan sa pangkalahatang kumperensya. Sina George Q. Cannon at Joseph F. Smith ay sinang-ayunan bilang mga tagapayo sa Unang Panguluhan. |
6 Okt 1890 |
Opisyal na Pahayag 1: Sa isang pahayag na tinawag na “Ang Pahayag [Manipesto],” ipinabatid ni Wilford Woodruff na itinigil na ng Simbahan ang pagsasagawa ng maramihang pagpapakasal. |
6 Abr. 1893 |
Ang Salt Lake Temple ay inilaan ni Wilford Woodruff. |
13 Set. 1898 |
Si Lorenzo Snow ay sinang-ayunan ng Korum ng Labindalawang Apostol bilang panlimang pangulo ng Simbahan. Siya ay sinang-ayunan sa pangkalahatang kumperensya noong ika-9 ng Okt. 1898. Sina George Q. Cannon at Joseph F. Smith ay sinang-ayunang maging mga tagapayo niya. |
1901–1978
17 Okt. 1901 |
Si Joseph F. Smith ay itinalaga bilang pang-anim na pangulo ng Simbahan. Siya ay sinang-ayunan sa isang espesyal na kumperensya noong ika-17 ng Nob. 1901. Sina John R. Winder at Anthon H. Lund ay sinang-ayunan bilang mga tagapayo. |
3 Okt 1918 |
Doktrina at mga Tipan 138: Isang pangitain na ibinigay kay Pangulong Joseph F. Smith sa Lunsod ng Salt Lake, Utah. Sa pangkalahatang kumperensya, ipinahayag ni Pangulong Smith na nakatanggap siya ng ilang banal na paghahayag sa mga nakaraang buwan na may kaugnayan sa pagtubos sa mga patay. Ang teksto ay isinulat pagkatapos ng kumperensya at nagkakaisang tinanggap ng Unang Panguluhan, ng Konseho ng Labindalawa, at ng Patriarch noong ika-31 ng Oktubre 1918. |
23 Nob. 1918 |
Si Heber J. Grant ay inorden at itinalaga bilang pampitong pangulo ng Simbahan. Siya ay sinangayunan sa sumunod na pangkalahatang kumperensya, na ipinagpaliban hanggang ika-1 ng Hunyo 1919 dahil sa isang pandemya ng trangkaso. Sina Anthon H. Lund at Charles W. Penrose ay sinang-ayunan bilang mga tagapayo. |
27 Nob. 1919 |
Ang Laie Hawaii Temple ay inilaan ni Heber J. Grant (ikapitong templo; unang templo sa labas ng kontinente ng Estados Unidos). |
26 Ago. 1923 |
Ang Cardston Alberta Temple ay inilaan ni Heber J. Grant (pangwalong templo; unang templo sa labas ng Estados Unidos). |
23 Okt 1927 |
Ang Mesa Arizona Temple ay inilaan ni Heber J. Grant (pangsiyam na templo). |
21 Mayo 1945 |
Si George Albert Smith ay itinalaga bilang pangwalong pangulo ng Simbahan. Siya ay sinang-ayunan sa pangkalahatang kumperensya noong ika-5 ng Oktubre 1945. Sina J. Reuben Clark at David O. McKay ay sinang-ayunan bilang mga tagapayo. |
23 Set. 1945 |
Ang Idaho Falls Idaho Temple ay inilaan ni George Albert Smith (pansampung templo). |
9 Abr. 1951 |
Si David O. McKay ay sinang-ayunan at itinalaga bilang ikasiyam na pangulo ng Simbahan sa pangkalahatang kumperensya. Sina Stephen L. Richards at J. Reuben Clark ay sinang-ayunan bilang mga tagapayo. |
11–15 Set. 1955 |
Ang Bern Switzerland Temple ay inilaan ni David O. McKay (panglabing-isang templo; unang templo sa Europa). |
11 Mar. 1956 |
Ang Los Angeles California Temple ay inilaan ni David O. McKay (panglabindalawang templo). |
20 Abr. 1958 |
Ang Hamilton New Zealand Temple ay inilaan ni David O. McKay (panglabintatlong templo; unang templo sa South Pacific). |
7 Set. 1958 |
Ang London England Temple ay inilaan ni David O. McKay (panglabing-apat na templo). |
17 Nob. 1964 |
Ang Oakland California Temple ay inilaan ni David O. McKay (panlabinglimang templo). |
23 Ene. 1970 |
Si Joseph Fielding Smith ay itinalaga bilang pansampung pangulo ng Simbahan. Siya ay sinang-ayunan sa pangkalahatang kumperensya noong ika-6 ng Abr. 1970. Sina Harold B. Lee at N. Eldon Tanner ay sinang-ayunan bilang mga tagapayo. |
18 Ene. 1972 |
Ang Ogden Utah Temple ay inilaan ni Joseph Fielding Smith (panlabing-anim na templo). |
7 Hulyo 1972 |
Si Harold B. Lee ay itinalaga bilang panglabing-isang pangulo ng Simbahan. Siya ay sinang-ayunan sa pangkalahatang kumperensya noong ika-6 ng Okt. 1972. Sina N. Eldon Tanner at Marion G. Romney ay sinang-ayunan bilang mga tagapayo. |
9 Peb. 1972 |
Ang Provo Utah Temple ay inilaan ni Joseph Fielding Smith (panlabimpitong templo). |
30 Dis. 1973 |
Si Spencer W. Kimball ay itinalaga bilang panlabindalawang Pangulo ng Simbahan. Siya ay sinang-ayunan sa pangkalahatang kumperensya noong ika-6 ng Abr. 1974. Sina N. Eldon Tanner at Marion G. Romney ay sinang-ayunan bilang mga tagapayo. |
19 Nob. 1974 |
Ang Washington D.C. Temple ay inilaan ni Spencer W. Kimball (panlabingwalong templo). |
8 Hunyo 1978 |
Opisyal na Pahayag 2: Ipinabatid sa paghahayag ang pag-aalis ng mga restriksyon sa lahi, na dati nang ipinapatupad sa ordenasyon ng priesthood at mga ordenansa sa templo. Ang paghahayag ay iniharap at nagkakaisang sinang-ayunan sa pangkalahatang kumperensya noong ika-30 ng Setyembre 1978. |
30 Okt. 1978 |
Ang São Paulo Brazil Temple ay inilaan ni Spencer W. Kimball (panlabingsiyam na templo; unang templo sa Latin America). |