2009
Isang Buhay na Puspos ng Kabaitan
Marso 2009


Mula sa Buhay ni Propetang Joseph Smith

Isang Buhay na Puspos ng Kabaitan

Hango sa Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith: (kurso ng pag-aaral sa Melchizedek Priesthood at Relief Society, 2007), 606--07.

Isang araw, matapos umulan nang malakas sa magandang Nauvoo, naglalakad si Margarette McIntire at ang kuya niyang si Wallace papasok sa eskuwela.

Bilisan mo, Wallace, baka mahuli tayo.

Nariyan na.

Nalubog ang mga bota ko, Margarette!

Sa akin din. Ang lalim ng putik.

Nalaman ng mga bata na hindi sila makaahon, kaya nag-iyakan sila, sa akalang hindi na sila makakaalis doon.

Ano’ng nangyari?

Brother Joseph!

Nalubog kami.

Iniahon ni Joseph ang dalawang bata mula sa putik.

Tinanggal niya ang putik sa mga bota nila.

Ang ganda-ganda mo ngayon, Margarette. Huwag mong alalahanin ang putik—matatanggal din iyan.

Pinunasan niya ang kanilang mga luha.

Magsaya ka na, iho. Napakabait mong kuya. Lagi mong alagaan ang kapatid mo.

Kalaunan ikinuwento ni Margarette ang karanasang iyon. “Nakapagtataka bang minahal ko ang dakila, mabait, at marangal na tao ng Diyos na iyon?”

Pasok na sa eskuwela.

Salamat po, Brother Joseph.

Paalam

Mga paglalarawan nina Sal Velluto at Eugenio Mattozzi