2009
Pansariling Pag-unlad nang May Panalangin
Marso 2009


Pansariling Pag-unlad nang May Panalangin

Nang lumipat ako ng paaralan, naging mabuti kong kaibigan ang isang batang babaeng hindi miyembro ng Simbahan. Ngunit matapos ang ilang taon naming pagkakaibigan, nagsimula siyang magselos sa Simbahan dahil lagi akong nagpupunta sa mga aktibidad at kakaunting oras ang iniukol ko sa kanya. Lumala pa nang lumala ang sitwasyon—kahit talaga namang gusto ko siyang kaibigan.

Isang araw habang ginagawa ko ang Pansariling Pag-unlad, sinimulan kong gawin ang isang karanasang may regular na panalangin sa loob ng dalawang linggo. Isa sa mga bagay na ipinasiya kong ipagdasal ay na igalang ako ng kaibigan ko at unawain na napakahalaga ng Simbahan sa akin. Dalawang linggo pagkaraan, nang matapos ang karanasan, patuloy ko pa ring ipinagdasal iyon.

Kalaunan nang repasuhin ko ang aking Pansariling Pag-unlad, naalala ko ang karanasan ko sa panalangin. Nang higit ko itong pag-isipan, natanto ko na nasagot na pala ng Ama sa Langit ang aking mga panalangin tungkol sa kaibigan ko. Nagbago nang tuluyan ang kaibigan ko; hindi na niya ako pinag-iisipan ng tulad ng dati, at gumanda na ang pananaw niya tungkol sa Simbahan.

Tuwang-tuwa ako dahil ngayon ay may patotoo na ako tungkol sa taos na panalangin. Alam ko na binago ng Ama sa Langit ang puso ng kaibigan ko. Alam ko rin na tutulungan Niya tayo at gagawa Siya ng mga himala kung gagawin natin ang ating tungkulin.

Kuwadro ni Scott Snow; paglalarawan ni Matthew Reier