2009
Pagsasalansan ng mga Kahoy sa Kuopio
Marso 2009


Pagsasalansan ng mga Kahoy sa Kuopio

Noong tag-araw ng 1968 binisita namin ng kompanyon kong misyonero, si Elder Ken Heaton, ang isang pamilya sa Kuopio, Finland, na hindi lahat ay miyembro. Ang mag-ina ay mga miyembro ng Simbahan, pero ang ama ay hindi.

Sa hiling ng maybahay, itinuro namin sa kanilang mag-ina ang mga talakayan—sa tinig na sapat ang lakas para marinig ng kanyang asawang nasa kabilang kuwarto. Nang subukan namin siyang pasalihin sa amin, wala raw siyang oras. Sa isang pagkakataon idinahilan niyang may isang bunton siya ng mga kahoy sa likod-bahay na kailangan niyang sibakin at isalansan para sa taglamig.

“Kung nasibak at naisalansan na ba ang lahat ng kahoy, magpapaturo ka na ba sa amin?” tanong namin.

“Oo,” sagot niya. Pero napakaraming kahoy, dagdag niya, kaya matatagalan bago niya matapos ang trabaho.

Lumipas ang ilang araw, matapos hintaying makaalis ang ama papuntang trabaho, bumalik kami ng kompanyon ko sa bahay. Sa pahintulot ng maybahay, ginugol namin ang buong maghapon sa pagsisibak at pagsasalansan ng mga kahoy. Nakatapos kami nang alas-5:00 n.h., bago siya nakauwi ng bahay. Hindi kami makapaghintay na makita ang reaksyon niya, pero nagmamadali kaming umalis bago niya kami datnan. Nang makauwi na kami na nakabisikleta at makapaglinis ng katawan, nagbisikleta kami pabalik sa bahay nila nang mga alas-7:00 n.g.

“OK, nasibak na ang mga kahoy!” pahayag namin. “Ngayon magpapaturo ka na ba sa amin?”

Ngumiti na lang siya, tumango, at sinamahan kami sa sala. Ilang linggo mula noon, matapos marinig ang mga talakayan ng misyonero, ang butihing lalaking ito ay nabinyagan at nakumpirma.

“Nasibak na lahat ang kahoy!” pahayag namin. “Ngayon magpapaturo ka na ba sa amin?”