Ang Halimbawa ni Daniel sa Pagdarasal
“Huwag hamakin ng sinoman ang iyong kabataan; kundi ikaw ay maging uliran ng mga nagsisisampalataya” (I Kay Timoteo 4:12).
-
Tuwang-tuwa si Daniel. Sasakay siya ng eroplano para bisitahin ang kanyang lolo’t lola sa Peru. Hindi sila mga miyembro ng Simbahan, ngunit mahal niya sila at mahal siya nila.
-
Nang makarating si Daniel sa Peru, masaya siyang makita ang kanyang lolo’t lola. Medyo nangulila rin siya. Ang mga bagay-bagay sa Peru ay iba kaysa sa Espanya. Pero alam niya na may isang bagay na magkatulad.
-
Maaari po bang magdasal tayo bago matulog?
-
Bakit gusto mong magdasal?
Dahil iniutos po ito ni Jesus sa atin.
Sige. Paano ba magdasal?
-
Kailangan po nating lumuhod, magyuko ng ulo, at pumikit.
-
Maaari po nating pasalamatan ang Ama sa Langit sa mga biyaya at humingi ng tulong sa Kanya.
-
Hangang-hanga ang lolo’t lola ni Daniel kaya’t nagdasal sila tuwing umaga at gabi habang naroon si Daniel.
-
Masaya si Daniel at nakasama niyang magdasal ang kanyang lolo’t lola. Alam niya na masaya rin ang Ama sa Langit.