2011
Gaano Ninyo Kakilala ang Ating mga Pinuno ng Simbahan?
Marso 2011


Gaano Ninyo Kakilala ang Ating mga Pinuno ng Simbahan?

Sa susunod na buwan na ang pangkalahatang kumperensya, at kabilang sa maraming tagapagsalita ang mga miyembro ng Unang Panguluhan at Korum ng Labindalawang Apostol. Tingnan kung maitutugma ninyo ang kanilang pangalan sa mga pangyayari o iba pang detalye mula sa kanilang buhay.

  1. Pangulong Thomas S. Monson

  2. Pangulong Henry B. Eyring

  3. Pangulong Dieter F. Uchtdorf

  4. President Boyd K. Packer

  5. Elder L. Tom Perry

  6. Elder Russell M. Nelson

  7. Elder Dallin H. Oaks

  8. Elder M. Russell Ballard

  9. Elder Richard G. Scott

  10. Elder Robert D. Hales

  11. Elder Jeffrey R. Holland

  12. Elder David A. Bednar

  13. Elder Quentin L. Cook

  14. Elder D. Todd Christofferson

  15. Elder Neil L. Andersen

  1. Noong kabataan niya mahilig siyang maglaro ng vanball, isang pasadyang bersyon ng volleyball.

  2. Kapangalan ng lider na ito ang kanyang ama at kilala siya ng kanyang pamilya at mga kaibigan bilang si Hal.

  3. Noong deacon pa ang Apostol na ito, dinala siya ng kanyang ama, na isang pintor, sa Sagradong Kakahuyan. Pagkauwi nila, ipininta ng kanyang ama ang Sagradong Kakahuyan para sa kanya. Mula noon, isinabit na ng Apostol na ito ang ipinintang larawang iyon sa kanyang opisina bilang paalaala ng espesyal na pagbisitang iyon.

  4. Noong siya ay limang taon, lumipat ang kanyang pamilya sa isang bukirin sa Pocatello, Idaho, USA, kung saan nag-alaga siya ng mga kuneho, nangabayo, at naglaro sa bukirin kasama ang kanyang mga kapatid.

  5. Siya ang tanging miyembro ng Unang Panguluhan o Korum ng Labindalawang Apostol na isinilang sa labas ng Estados Unidos.

  6. Noong hayskul siya, naging isa siyang senior-class president at lumahok sa debate.

  7. Isang masigasig na atleta mula pagkabata, kinilala siya sa larangan ng football, basketball, track, at baseball sa hayskul at naging miyembro siya ng state-championship football at mga basketball team.

  8. Naglalaro sila ng dama ng anak niyang lalaki halos gabi-gabi. Naaalala ng kanyang anak na, “Tatlong beses siyang naglalaro ng dama. Pananalunin niya ako sa isa, pagkatapos tatalunin niya ako sa isa, at saka kami naglalaro ng perdigana, at puwedeng manalo kahit sino sa amin.”

  9. Pinaglingkuran niya ang kanyang bansa bilang piloto sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong mga edad 20 siya.

  10. Para kumita ng pampaaral sa kolehiyo, nagtrabaho siya sa isang barko ng talaba. Kinutya siya ng ibang mangingisda sa pagtanggi niyang uminom ng alak hanggang sa mahulog sa dagat ang isang lalaki; ang Apostol na ito, sa determinasyong huwag uminom, ay listo ang isipan at inatasang sagipin ang lalaking nahulog.

  11. Noong nasa kolehiyo siya, nagtrabaho siya bilang komentarista sa radyo.

  12. Bago siya natawag sa Korum ng Labindalawang Apostol, siya ang pangulo ng Ricks College at tumulong na maging Brigham Young University–Idaho ang paaralan.

  13. Siya ang umopera sa puso ni Pangulong Spencer W. Kimball (1895–1985) bago naging Pangulo ng Simbahan si Pangulong Kimball.

  14. Si Elder Scott ang mission president ng Apostol na ito sa Argentina.

  15. Bago siya natawag na General Authority, siya, gaya ng kanyang ama, ay nagtrabaho sa automobile business.