2011
Mga Balita tungkol sa Templo
Marso 2011


Mga Balita tungkol sa Templo

Pinangunahan ni Pangulong Monson ang Groundbreaking sa Roma

Pinangunahan ni Pangulong Thomas S. Monson ang groundbreaking para sa Rome Italy Temple noong Oktubre 23, 2010. Dalawang taon na ang nakararaan, ang ibinalitang tatlong-palapag, 40,000 piye kuwadrado (3,700 metro kuwadrado) na templo ang magiging ikalabindalawa sa Europa at una sa Italya. Kapag natapos na, magsisilbi ito sa mga miyembro sa Italya at kalapit na mga bansa. Ang 6-na-ektaryang lupa ay magiging sentro ng relihiyon at kultura na kinabibilangan ng isang multifunctional meetinghouse, isang visitors’ center, isang family history center, at patron housing.

Pagtatayo ng Templo sa Argentina

Pinangunahan ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol ang groundbreaking para sa templo sa Córdoba, Argentina, noong Oktubre 30, 2010. Ang lugar ay pinagtayuan ng isa sa mga pinakaunang chapel ng Simbahan sa Argentina. “Napakaganda na ang layunin nito sa huli ay tanggapin ang bahay ng Panginoon,” sabi ni Elder Andersen. Ang templo ang magiging ikalawa sa Argentina. May templo rin sa Buenos Aires.

Groundbreaking sa Gilbert, Arizona

Pinangunahan ni Elder Claudio R. M. Costa ng Panguluhan ng Pitumpu ang groundbreaking para sa Gilbert Arizona Temple noong Nobyembre 13, 2010. Ang Gila Valley Arizona Temple at Gilbert Arizona Temple, na ibinalita noong Abril 26, 2008, ang mga unang templong ibinalita ni Pangulong Thomas S. Monson pagkatapos siyang matawag na pangulo ng Simbahan. Ang Gilbert Arizona Temple ang magiging ikaapat na templo sa Arizona. Ang ikalima, ang Phoenix Arizona Temple, ay ipinaplano pa lang.

Pinangunahan ni Pangulong Thomas S. Monson ang groundbreaking para sa Rome Italy Temple noong Oktubre 23, 2010.