Kasaysayan ng Simbahan sa Iba’t Ibang Dako ng Mundo
Ang Netherlands
Limampung taon na ang nakararaan sa buwang ito, inorganisa ang unang stake sa Netherlands, ang Holland Stake, sa The Hague. Ito ang unang stake sa Simbahan na hindi wikang Ingles ang gamit. Isandaang taon na ang nakararaan, noong Agosto 1861, sina Paul Augustus Schettler at A. Wiegers van der Woude ang unang mga misyonerong nangaral ng ebanghelyo sa Holland. Sa sumunod na 100 taon, mahigit 14,000 katao sa Netherlands ang nabinyagan, at marami sa mga ito ang nandayuhan sa Estados Unidos. Ngayon ay halos 9,000 miyembro ang naninirahan sa Netherlands.
Noong Setyembre 8, 2002, inilaan ni Pangulong Gordon B. Hinckley (1910–2008) ang The Hague Netherlands Temple, na nagsisilbi sa limang stake at isang district sa Netherlands, Belgium, at ilang bahagi ng France.
Ang Simbahan sa Netherlands | |
---|---|
Bilang ng mga Miyembro |
8,909 |
Mga Mission |
1, kabahagi ang Belgium |
Mga Stake |
3 |
Mga Ward at Branch |
33 |
Mga Templo |
1 |