Ayos lang bang tawagin ang mga lider ng Simbahan sa kanilang unang pangalan?
Kung minsan masyado tayong malapit sa ating mga lider kaya nagiging kaswal tayo sa pakikitungo sa kanila. Kahit mabuti ang makipagkaibigan, mahalaga ring magpakita ng wastong paggalang sa kanila at sa kanilang mga katungkulan. Sa Simbahan ugali na nating tawagin ang mga nakatatanda ng “Brother” o “Sister,” isang tawag na nagpapakita ng paggalang at nagpapaalala sa atin na tayo ay mga anak ng Ama sa Langit. Ang iba pang pormal na tawag, tulad ng elder, bishop, o president, ay ginagamit din bilang tanda ng paggalang. Nagpapakita ng magandang halimbawa nito ang mga full-time missionary sa pagtawag sa isa’t isa ng “Elder” o “Sister.”
Mahalagang gumalang sa ating mga lider sa Simbahan at alalahanin na bagama’t sila ay ating mga kaibigan, dapat nating igalang ang kanilang katungkulan sa Simbahan at magpakita ng paggalang sa pagtawag sa kanila ng “Brother” o “Sister.”