2011
Bihis na Bihis
Abril 2011


Bihis na Bihis

“Kayo’y mga anak ng Panginoon ninyong Diyos” (Deuteronomio 14:1).

  1. Gusto nang magbihis ni Elise. Isinuot niya ang mga sapatos ni Tatay at naglagay ng ilong na kulay pula.

    Ako ay nakakatawang payaso.

  2. Patakbong bumalik sa kanyang kuwarto si Elise. Nagsuot siya ng dilaw na sombrerong pang-karpintero at humablot ng isang plastik na martilyo.

  3. Minartilyo ni Elise ang sahig bago siya patakbong bumalik sa kanyang kuwarto.

    Isa akong malakas na tagapagtayo ng gusali.

  4. Nagbihis si Elise ng makinang na gown na kulay ube at pilak at kumaripas nang palabas sa kanyang silid.

  5. Gusto ni Elise na maging prinsesa. Maghapon niyang suot ang kanyang gown.

    Ako ay isang magandang prinsesa.

  6. Sa oras ng pagtulog isinuot naman ni Elise ang kanyang paboritong pajama na kulay berde. Lumabas siya ng kuwarto at kumandong kay Inay.

  7. Ako si Elise. Ako ay anak ng Diyos.