2011
Doktrina at mga Tipan 76:22–24
Abril 2011


Taludtod sa Taludtod

Doktrina at mga Tipan 76:22–24

Ang mga talatang ito ay nagpapahayag ng makabagong pagsaksi kay Jesucristo: Siya ay buhay!

22 At ngayon, matapos ang maraming patotoo na ibinigay hinggil sa kanya, ito ang patotoo, na pinakahuli sa lahat, na aming ibibigay tungkol sa kanya: Na Siya ay buhay!

23 Sapagkat siya ay aming nakita, maging sa kanang kamay ng Diyos; at aming narinig ang tinig na nagpapatotoo na siya ang Bugtong na Anak ng Ama—

24 Na sa kanya, at sa pamamagitan niya, at mula sa kanya, ang mga daigdig ay nililikha at nalikha, at ang mga naninirahan dito ay mga isinilang na anak na lalaki at babae ng Diyos.

Maraming Patotoo

Maraming patotoong naibigay tungkol sa nabuhay na mag-uling Cristo bago ang paghahayag na ito. Narito ang ilang halimbawa:

Siya ay Buhay!

President Thomas S. Monson

“Nabasa ko—at pinaniniwalaan ko—ang mga patotoo ng mga yaong nakaranas ng pighati sa Pagkakapako ni Cristo sa Krus at kagalakan sa Kanyang pagkabuhay na mag-uli. Nabasa ko—at pinaniniwalaan ko—ang mga patotoo ng mga tao sa Bagong Daigdig na dinalaw rin ng nagbangong Panginoon na iyon.

“Pinaniniwalaan ko ang patotoo ng isang tao na nakipag-usap sa Ama at sa Anak, sa dispensasyong ito, sa kakahuyang tinatawag ngayong sagrado at ibinigay ang kanyang buhay, at tinatakan ang patotoong iyan ng kanyang dugo.”

Pangulong Thomas S. Monson, “Siya’y Nagbangon!” Liahona, Mayo 2010, 89.

Ang mga Daigdig ay Nililikha at Nalikha

Elder Neal A. Maxwell

“Sa patnubay ng Ama, si Cristo ang Panginoon ng sansinukob, na lumikha ng mga daigdig na di mabilang—at isa lamang doon ang atin (tingnan sa Mga Taga Efeso 3:9; Sa Mga Hebreo 1:2).

“Ilang planeta ba sa kalawakan ang may mga tao? Hindi natin alam, ngunit hindi tayo nag-iisa sa kalawakan! Ang Diyos ay hindi Diyos ng nag-iisang planeta lamang!”

Elder Neal A. Maxwell (1926–2004) ng Korum ng Labindalawang Apostol, sa “Mga Natatanging Saksi ni Cristo,” Liahona, Abr. 2001, 5.

Mga Isinilang na Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

President Dieter F. Uchtdorf

“Hindi kayo mga ordinaryong nilalang, mahal kong mga kaibigang kabataan sa buong mundo. Kayo ay maluwalhati at walang hanggan. …

“Dalangin ko at basbas na kapag inaninag ninyo ang inyong sarili ay lumagpas ang tingin ninyo sa mga kapintasan at pagdududa sa sarili at makilala ninyo kung sino kayo talaga: maluwalhating mga anak ng Diyos na Maykapal.”

Pangulong Dieter F. Uchtdorf, Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan, “Ang Repleksyon sa Tubig” (Church Educational System fireside para sa mga young adult, Nob. 1, 2009); makukuha sa CESfiresides.lds.org.

Detalye mula sa Siya ay Nagbangon, ni Del Parson