Kasaysayan ng Simbahan sa Iba’t Ibang Dako ng Mundo
Ang Marshall Islands
Bagama’t nabisita ng mga miyembro ng Simbahan ang Marshall Islands noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagsimula lamang ang opisyal na gawaing misyonero doon noong Pebrero 1977. Sa taong iyon inatasan sina Elder William Wardel at Elder Steven Cooper mula sa Hawaii Honolulu Mission na mangaral sa lugar. Sa tulong ni Eldred Fewkes, isang miyembro ng Simbahan na lumipat sa Marshall Islands dahil sa trabaho, gumawa sila ng paraan upang makapagdaos ng mga pulong ng Simbahan sa gusali ng ibang simbahan.
Sa unang taong na iyon ay nakapagbinyag ang mga misyonero ng 27 katao. Pagkaraan ng tatlong taon ang Marshall Islands ay naging bahagi ng Micronesia Guam Mission. Noong 1984 nabuo ang Majuro Marshall Islands District. Patuloy na dumami ang mga miyembro ng Simbahan, na nauwi sa pagbubuo ng pangalawang district noong 1991 sa Kwajalein. Noong 2006 nilikha ang Marshall Islands Majuro Mission. Nang sumunod na tatlong taon nakita ang malaking pagdami ng mga aktibong miyembro dahil sa pagpapaaktibo, pagbibinyag sa mga naturuan, at pagpapatatag sa mga lokal na lider. Kaya noong Hunyo 14, 2009, naorganisa ang Majuro Marshall Islands Stake.
Para mabasa ang mga kuwento ng pananampalataya at pagbabalik-loob ng mga miyembro sa Marshall Islands, tingnan sa pahina 32.
Ang Simbahan sa Marshall Islands | |
---|---|
Bilang ng mga Miyembro |
4,486 |
Mga Mission |
1 |
Mga Stake |
1 |
Mga District |
1 |
Mga Ward/Branch |
11 |